;
embed embed2
  • Galing Ni Mommy! Napalago Puhunan Na P3K To P3 Million Na Kita Sa Online Selling

    "Gusto kong iangat ang image naming mga single moms... Kaya naming umangat,” sabi ni Vannerie.
    by KC Cordero for Pep.ph .
Galing Ni Mommy! Napalago Puhunan Na P3K To P3 Million Na Kita Sa Online Selling
PHOTO BY SCREENGRAB FROM KAPUSO MO, JESSICA SOHO
  • Noong January 8, 2022, nag-post si Vannerie sa Facebook na pakiramdam niya ay hindi totoo ang mga nagaganap sa kanyang buhay. Sabi niya sa kanyang post: “Na-o-overwhelm po ako and I have no words to express how I feel.”

    Sa interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ipinakita ang success story ni Vannerie. Gamit ang puhunang P3,500, nag-umpisa si Vannerie na magbenta ng beauty products online. Ngayon ay kumita na siya ng tumataginting na P3.4 million.

    Nahirapan bilang single mom

    Isang dating guro, napilitan si Vannerie na mag-resign sa pagtuturo nang magkaroon siya ng delicate pregnancy noong 2018. Lalong naging masalimuot ang pinagdaanan ni Vannerie nang lokohin siya ng lalaking nakabuntis sa kanya.

    Pagbabahagi ni Vannerie sa panayam ng KMJS, “Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko. Nung iniluwal ko naman siya, pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO SCREENGRAB FROM KAPUSO MO, JESSICA SOHO

    “Bilang single mom, isa kasi sa mga struggle namin yung panghihingi ng sustento, ng supporta. Gusto kong iangat ang image naming mga single moms na kaya namin. Kaya naming umangat,” aniya.

    From teacher, to call center agent, to online seller

    Nagtrabaho siyang muli bilang call center agent, pero hindi sapat ang kanyang suweldo para sa kanilang mag-ina. Kaya naman naisipan niyang pasukin ang online selling. Ang hawak lang niyang puhunan noon ay P3,500.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    PHOTO SCREENGRAB FROM KAPUSO MO, JESSICA SOHO

    Kuwento niya, “Dahil madaming gusto magpaganda, skin care yung tingin kong puwede mabenta. Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”

    Dahil kulang ang hawak niyang pera, naghanap siya ng distributor. “After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naloko sa umpisa

    Gaya ng ibang sellers, marami ring pagsubok na naranasan sa pinasok na negosyo si Vannerie. Nagkaroon siya ng mga bogus buyers. Aniya, “Minsan kasi may mga customers na wala palang ready na pambayad. Minsan nagti-trip lang silang umorder.”

    Naiiyak niyang sambit, "Noong una, medyo masakit sa akin kasi pagbalik sa iyo, sira na. Tapos di mo na magagamit, di mo na maititinda.”

    Na-frustrate siya at inisip na mag-quit na lang. “Sabi ko noon, tumigil na kaya ako?” Isang marketing strategy ang naisip niya—ang ipakita kung gaano kaepektibo ang mga tinda niyang produkto.

    Ginamit niya mismo ang mga beauty products, at saka gumawa ng mga before-and-after videos. Kaya nakita mismo ng mga interesadong bumili na ang dating magaspang na bahagi ng mukha niya ay naging flawless, at ang maitim ay pumuti.

    PHOTO SCREENGRAB FROM KAPUSO MO, JESSICA SOHO
    PHOTO SCREENGRAB FROM KAPUSO MO, JESSICA SOHO
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Doon na nagsimulang tangkilikin ng maraming customers ang kanyang mga tindang beauty products. "Hindi ko inaakala na mararating ko yung P3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.

    “Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak."

    Paglilinaw sa P3.4 million

    Sa isa niyang post ay ipinaliwanag ni Vannerie na ang P3.4 million ay total purchases sa buong taon.

    Dagdag pa niya, “And also parang gross sale. Hindi siya yung tinubo mo mismo. “So, yes, I am not yet a millionaire po. Clear ko lang sa mga di nakapanood. Marami kasing nagwa-warning sa mama ko na baka mapaano daw kami. Baka makidnap etcetera."

    “Request ko lang po, maging masaya na lang po tayo sa segment kasi ang goal po namin ay ma-share ang struggles and wins ng mga single parent. At kahit anong pagsubok ay huwag tayong susuko."

    Kailangan umano niyang magpaliwanag para huwag na siyang makatanggap ng mga negatibong mensahe, at para hindi na mag-alala ang kanyang ina.

    Mahalaga ang tiwala ng customers

    Sa ngayon, bukod sa pagiging online seller ay product reviewer na rin si Vannerie. Gaya nang dati, hindi siya basta-basta nagbebenta o nag-e-endorse ng produkto kung hindi pa niya nasusubukan. Ito ay para ma-maintain niya ang tiwala sa kanya ng customers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagi rin siyang nanghihingi ng feedback sa mga bumibili ng kanyang products. Hanggang ngayon, may challenges pa rin sa kanyang business. Nito lang January 19, ibinahagi niya sa kanyang Facebook na natanggal ang "preferred shop" status ng kanyang account sa isang malaking online store dahil bumaba ang kanyang chat rate. “Kahit ganoon pa man ang nangyari today, nakakatuwa kasi may mga offers pa rin ako na natanggap.”

    Payo niya sa mga gustong sumubok sa online selling, "Pag-aralan mo yung negosyo mo. Huwag ka lang basta papasok sa negosyo. Tingnan mo kung anong produkto ba ang mabenta, yung pakiramdam mo, kaya mong i-market.”

    Panoorin ang kanyang kwento dito:

    This story was originally published on Pep.ph.

    *Minor edits were made by the Smart Parenting editors.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles