embed embed2
  • Huwag Magpaloko! 3 Online Scams Na Kumakalat Sa Panahon Ng COVID-19

    Mag-ingat sa mga natatanggap mong email o text
    by Lei Dimarucut-Sison .
Huwag Magpaloko! 3 Online Scams Na Kumakalat Sa  Panahon Ng COVID-19
PHOTO BY iStock
  • Sa panahon ng krisis, nakita natin ang taos pusong pagtulong ng makararami sa mga nangangailangan. Sa kabilang banda, nakakalungkot isipin na sa gitna ng COVID-19 pandemic, may mga tao pa din na nakukuha pang manloko ng kapwa nila.  

    Pinatotohanan ito ni Mark Risher, senior director for Account Security, Identity, and Abuse ng Google, sa isang virtual briefing noong Biyernes, April 24, 2020.

    "Now, they [attackers] know that anywhere around the planet COVID-19 will be recognizable and will stimulate actions from the victims, and so we’re seeing them applied pretty consistently globally, [and] just translated maybe to local markets," sabi niya, ayon sa report ng BusinessWorld.

    What other parents are reading

    Nasa 240-milyon daw ang spam messages na naipapadala kada araw nitong nakaraang isang buwan lang, bukod pa sa mga phishing attempt na umaabot sa 18-milyon. 

    Ipinakita din ni Risher kung saan nanggagaling ang karamihan sa mga ito. 

    "A lot of these coronavirus and COVID-19 attacks began in Southeast Asia," sabi niya, kaya ibayong pag-iingat ang kinakailangan sa mga panahong ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasamantala daw ng mga nagpapadala nito ang panahong ito kung kailan ang mga tao ay takot mahawa sa sakit, naghahanap ng pagkakakitaan, o pagkakataong makatulong sa iba.

    What other parents are reading

    Heto ang ilan sa mga online scams na kumakalat ngayon

    Nanghihingi ng donasyon

    Kabi-kabila ang mga donation drives ngayon para ipantulong sa mga apektado ng krisis, at sinasamantala ito ng mga scammers. Yung iba, ginagamit pa ang pangalan ng World Health Organization para makakuha ng impormasyon mo. Nagbigay na ng pahayag ang WHO tungkol dito. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbebenta ng alcohol o face mask

    Dahil lahat tayo at takot mahawa sa COVID-19 at gustong protektahan ang sarili, may mga online scams naman na kunwari ay nagtitinda ng mga face mask o alcohol dahil nagkakaubusan na ng mga ito sa supermarket at botika. Kapag iyong na-click ang link sa phishing email na ito, makukuha na nila ang importanteng detalye mo.

    Nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nawalan ng trabaho

    Muli, sinasamantala ng mga scammer ang pagkakataong ito para makapanloko. Huwag basta maniwala sa mga natatanggap na loan approvals o sa mga nagbibigay ng cash advance. (Alamin dito sino ang qualified sa Social Amelioration Program ng DSWD)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ano ang dapat gawin para hindi maloko 

    HUWAG i-click ang anumang link

    Kapag nakakuha ka ng mga ganitong email messages, mabuti pa ay i-delete mo na agad. Malamang na online scam ito lalo na kung sasabihin sa iyo na i-confirm ang iyong password o hihingin ang personal na impormasyon mo. 

    HUWAG i-open ang attachment kung mayroon

    Ang iba, may kasamang file na sasabihing kailangan mong i-review. Huwag mo itong buksan dahil kung ito ay malware, mag-i-install ito ng virus sa iyong phone o computer at maaring masira o mabura ang iyong files at programs. 

    Gumamit ng security software.

    Makakatulong ang ganitong uri ng software para masala ang mga email na may dalang virus.   

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles