Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Online Shopping: Paano Malalaman Kung Ang Seller Ay Legit

    May mga simpleng paraan kung paano ma-check ang legitimacy ng isang online shop.
    by Ana Gonzales .
Online Shopping: Paano Malalaman Kung Ang Seller Ay Legit
  • Iniulat ng CNBC Abril 2019 na malaki ang itinaas ng market shares ng mga tinatawag na “non-store” retailers o online sellers sa U.S. kumpara sa mga general merchandisers, kabilang na ang mga department stores.

    Ayon kay Paul Hickey ng Bespoke Investment Group, malayo na ang narating ng online shopping. “The days of the internet and online shopping being 'just a fad' have come a long way over the years,” sabi niya.

    Ayon pa kay Hickey, halos hindi na iniisip ng mga mamimili ang shipping fee ngayon. Mas nakatuon na ang pansin ng tao sa convenience ng mga online stores.

    More from Smart Parenting

    Dito sa Pilipinas, mabilis din ang paglaki ng digital marketplace. Sa katunayan, ayon sa ulat ng Internet World Stats, mahigit kumulang 67 milyong Pilipino ang aktibo online noong nakaraang 2018 at patuloy itong tumataas. Ilan sa mga sikat na online selling websites ang Lazada, Zalora, at Shoppee na patok na patok sa mga consumers lalo na sa mga nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano malalaman kung ang seller ay legit? 

    Bukod sa mga e-commerce firms na ito, marami pang nagsulputang online sellers sa halos lahat ng uri ng digital platforms, maging social media man yan o sa world wide web. Ngunit sa dami nila, paano mo nga ba malalamang lehitimo ang mga websites na pinupuntahan mo? Narito ang ilan sa mga tanong na maaaring makatulong upang masiguro mong ligtas kang namimili online.

    Maayos ba ang website?

    Walang online seller o online shop na gugustuhing hindi maganda ang images ng mga produkto nila sa kanilang website. Sinisiguro rin ng mga lehitimong sellers na komprehensibo, maayos, at madaling gamitin ang kanilang web pages o social media pages. Kung napunta ka sa isang website na hindi maganda ang kalidad ng mga litrato o mukhang kinuha lang nila ito online, malaki ang chance na hindi lehitimo ang website na nabisita mo.

    Ayon pa sa Kaspersky.com, kailangan mo ring tignan kung may mga mali sa spelling, broken English, at grammatical errors dahil indikasyon din ito na fake ang website. Ang isang lehitimong business website rin ay may mga basic pages na naglalaman ng kanilang contact details. Kalimitan, matatagpuan ito sa “contact us” at “about us” pages.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung wala ang mga ito, malamang fake ang website na nakita mo. Dagdag pa ng Kaspersky, tignan mong mabuti ang domain name ng website na binibisita mo. Madalas, ang mga lehitimong shopping sites ay hindi nagtatapos sa .net o .org. Para mas masigurong lehitimo ang website na napuntahan mo, maaari mong gamitin ang LookWhoIs.net at Whois.net.

    More from Smart Parenting

    Pareho ba ang pangalan ng seller sa bank account holder?

    Kung magbabayad ka online sa pamamagitan ng bank transfer, tignan mo kung magkapareho ang pangalan ng seller sa pangalan ng bank account, lalo na kung sa social media sellers ka bibili. Karapatan mong malaman kung bakit ito magkaiba. Sa mga lehitimong sellers, kung hindi man magkapareho ang pangalan sa social media account at sa bank account, may mga maliliit naman itong pagkakapareho. Mas mabuting itanong mo sa seller kung bakit — kung lehitimo sila, hindi sila mag-aatubiling ipaliwanag sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon bang sapat na bilang ng lehitimong reviews?

    Kung isa kang regular na online shopper, siguradong naging bahagi na ng pamimili mo ang pagbasa sa mga reviews. Magandang gawain ito, ngunit ngayon, ginagamit na rin ng mga fake sellers ang reviews at comments upang manlinlang ng mga online shoppers. Ayon sa imbestigasyon ng Which? lumalabas na may mga online sellers na gumagamit ng panunuhol at hacking para makapag-post ng pekeng product reviews.

    Nagagawa ito sa pamamagitan ng pag-hack ng mga lehitimong accounts at pag-gamit ng mga accounts na ito para mag-post ng reviews — mas maraming reviews, mas maraming malolokong online buyers.

    Sa cheat sheet na inilabas ng Reader’s Digest tungkol sa fake Amazon reviews, marami kang makukuhang tips kung paano maiwasan ang mga sellers na gumagamit ng fake reviews. Una, kailangan mong tignan ang timestamp ng review. Ilang taon na ba ito? Kung halos lahat ng reviews na nakita mo ay isinulat sa mag-kakapareho o mag-kakasunod na araw, malaki ang chance na peke ang mga reviews na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tignan mo din ang account ng mismong nag-review. Gaano kadalas ba siyang nag-iiwan ng mga reviews? Gaano kadalas din ba siyang namimili sa website na iyon? Kung puno ng pekeng reviews ang seller na nakikita mo, malamang ay pekend seller din ito.

    More from Smart Parenting

    Masyado bang maganda ang deal?

    Magandang inikasyon din ang presyo kung lehitimo nga ba ang isang online shop o seller. Kung alam mong mahal ang presyo ng binibili mo kung sa physical store mo ito bibilhin, siguraduhin mong hindi masyadong mababa ang presyo nito online. Kung masyadong bagsak ang presyo, lalo na kung wala namang sale, maaaring hindi lehitimo ang seller na kausap mo. Tandaan, kahit anong deal na hindi na makatotohanan ang presyo ay maaaring hindi na totoo.

    Nag-research ka na ba? 

    Ang pinakamagandang paraan upang ma-verify ang legitimacy ng isang website o online seller ay kung maglalaan ka ng sapat na panahon para sa research — huwag lang click ng click. Kung bahagi ka ng mga online support groups tulad ng Smart Parenting Village o di naman kaya ay mga online selling groups, magtanong ka muna sa kanila kung nasubukan na nilang bumili sa online store o seller na nakita mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ka ring magtanong sa kanila kung saang seller sila bumibili ng kung ano man ang hinahanap mo. Tignan mo rin kung fake account ang mga sumasagot, lalo na sa mga Facebook groups. Kung kakaiba ang profile picture, recently lang nagkaroon ng Facebook account, o di naman kaya ay walang posts at walang Facebook friends, malaki ang chance na fake account ang tinitignan mo. 

    More from Smart Parenting

    Talaga namang nakaka-engganyong mag-shopping online, lalo na’t mas madali ito dahil hindi mo na kailangang lumabas ng bahay. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay ibababa mo na rin ang iyong depensa. Dapat mo pa itong pagtibayin.

    Mas maraming tao ang naloloko online, lalo na’t mas malakas ang loob ng mga kawatan dahil hindi sila agad makikilala o mahahanap. Sa katunayan, mahigit isang libong kaso ng online scams ang naitala noong isang taon, ayon sa datos ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group. Mas malaking dahilan ito upang paigtingin mo pa ang paniniguro na lehitimo ang mga kinakausap mong sellers at businesses online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung kailangan mo ng grupong tutulong sayo upang makita kung legit ang baby product sellers na gusto mong bilhin, maaari kang sumali sa Smart Parenting Village. Maaari ka ring maging miyembro ng Smart Parenting para makakuha ng latest tungkol sa mga paborito mong baby products.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles