-
I-Enroll Ang Pag-IBIG MP2 Savings Online Para Sa Karagdagang Ipon
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Bukod sa housing loan or short-term loans gaya ng multi-purpose or calamity, nagbibigay din ang Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG Fund ng mga paraan para makaipon ng pera ang kanilang mga miyembro.
Tinatawag na ngayong Regular Savings ang monthly contribution. Pero kung nais ng karagdagang ipon, nariyan ang Modified Pag-IBIG (MP2) Savings. At kahit hindi pumunta sa opisina ng ahensiya, makakagawa ng account dahil hindi kahirapan kung paano i-enroll ang Pag-IBIG MP2 savings online.
What other parents are reading
Paano i-enroll ang Pag-IBIG MP2 Savings online
Bisitahin ang Pag-IBIG Fund website, pagkatapos piliin sa menu bar ang “E-Services” at i-click. Sa ilalim ng “Other Services,” i-click ang “MP2 Savings Enrollment.” Siguraduhing nakahanda ang kopya ng numero ng Membership ID (MID) kung hindi memoryado ito. Punan ang iba pang hinihinging detalye, kabilang ang captcha code, at i-click ang “Submit” para maipagpatuloy ang enrollment.
Sa kaliwang bahagi ng pahina, makikita ang personal information at contact details na ibinigay ng Pag-IBIG member nang magparehistro siya. Maaaring kunin ang pagkakataon na tignan kung tama lahat ang mga nakasulat na impormasyon at kung may dapat iwasto o ipapa-update.
Sa parteng kanan naman, may mga katanungan tungkol sa ine-enroll na MP2 Savings account. Ang “Desired Monthly Contribution” ay ang halaga na gustong ipasok sa account. Php500 ang minimum amount na tinatanggap ng Pag-IBIG kaya hindi dapat bumaba sa ganitong halaga ang isasagot.
Maaaring magpasok ng Php500 o higit pa sa account kada buwan (monthly remittance). Ang isa pang option ay ang one-time savings, kung saan magpapasok ng mas malaking halaga nang isang beses at hintayin itong tumubo hanggang marating nito ang maturity period na five years. Walang limistayon sa halaga, ngunit kapag lumagpas sa Php500,000, dapat nang idadaan ito sa tseke, maging personal o manager’s check man.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng susunod na katanungan, “Preferred Dividend Payout,” ay patungkol sa dibidendo na makukuha ng miyembro mula sa kanyang naipasok na halaga kada buwan o di kaya isang malakihang bagsak. Ini-invest kasi ng Pag-IBIG ang pondo sa housing finance, government securities, at corporate bonds kaya ito lumalago. Mula 2016 hanggang 2018, ang average MP2 dividend rate ay 7.65 percent at tax-free, ayon sa Pag-IBIG Fund website.
Masasagutan ang tanong alin man sa dalawang pagpipilian: “Annually” at “Five-Year (End Term).” Ang unang option ay ang pagkuha ng dibidendo kada taon at ang pangalawa, sa panahong marating ang limang taon na maturity period. Makukuha ang dibidendo sa pamamagitan ng savings o checking account ng miyembro sa Pag-IBIG accredited banks, tulad ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).
Sa kaso ng mga miyembro na nakabase sa ibang bansa, gaya ng mga overseas Filipino worker (OFW), na walang savings o checking account sa mga nasabing bangko, maipapadala ang kanilang annual dividend payout sa pamamagitan ng tseke.
Ang susunod pang katanungan sa pahina kung paano i-enroll ang Pag-ibig MP2 Savings online ay “Mode of Payment.” O kung paano maipapasok ng miyembro ang kanyang monthly remittance o kaya one-time savings. Mayroong tatlong pagpipilian para masagot ang tanong na ito.
Una dito ang option na “Salary Deduction,” na para sa mga empleyado na nais magbayad mula sa direktang pagbawas sa kanilang suwedo. Kailangan lang nilang maipag-ugnayan sa Human Resources Department (HRD) ng kumpanya na kanilang kinabibilangan upang maipatupad ang ganitong paraan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPangalawa, ang option na “Over-the-Counter (OTC)” ay magagawa sa pagpunta sa alin mang opisina ng Pag-IBIG at doon mismo sa cashier magbayad. Ang ikatlo, “Thru Any Accredited Pag-IBIG Collecting Partners,” at kabilang dito ang mga bangko at establisyemento na tumanggap ng bills payment. (Basahin dito ang Pag-IBIG payment online facilities.)
Ang huling katanungan para makagawa ng MP2 Savings account ay “Source of Funds,” o kung saan manggagaling ang halagang ipapasok ng miyembro. May sampung pagpipilian dito, at pinakaangkop ang una, “Employment Income,” sa mga manggagawa na may regular na trabaho o pinagkakakitaan. Ang ilan pang options ay “Savings/Deposits,” “Property Sale,” “Sale of Share or Other Investment,” “Loan,” “Company Sale,” “Company Profits/Dividends,” “Gift,” “Maturity/Surrender of Life Policy,” at “Other Income Sources.”
What other parents are reading
Pagkatapos masagutan ang mga katanungan, i-click na ang “Submit” at lalabas sa screen ang nasagutang “Modified Pag-IBIG 2 Enrollment Form.” Makikita sa itaas na parte ng kanang bahagi ang “MP2 Account Number.”
Iyan ang numerong gagamitin ng miyembro sa tuwing magpapasok ng pondo sa account. Paalala sa mga miyembro na pumili ng “Salary Deduction” bilang “Mode of Payment,” may dapat pirmahan sa ibabang bahagi ng enrollment form.
Pinapayagan ang mga miyembro na magkaroon ng higit pa sa isang account kahit hindi pa nararating ng unang account ang 5-year maturity period. Sundin lang muli kung paano i-enroll ang Pag-IBIG MP2 Savings online para sa ikalawa o ilan pang account.
What other parents are reading

- Shares
- Comments