embed embed2
  • Paano Kumuha ng TIN ID: Ang Mga Kailangan Na Requirements

    Tandaan na minsan lang puwedeng makakuha ng TIN. Habang buhay mo na itong numero.
    by Jocelyn Valle .
Paano Kumuha ng TIN ID: Ang Mga Kailangan Na Requirements
PHOTO BY iStock
  • Alinsunod sa National Internal Revenue Code of 1997, o kilala din bilang Tax Code, kinakailangan ang Tax Identification Number (TIN) sa pagbabayad ng buwis at iba pang transakyon sa naatasang ahensiya, ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Hindi kailangan mangamba dahil may mga paraan kung paano kumuha ng TIN ID.

    Ang isang paraan ay sa tulong ng kumpanya na tumanggap sa empleyado na wala pang TIN. Tandaan na minsan lang puwedeng makakuha ng TIN at pang habang buhay na ang pagkakatala ng numerong ito sa indibidwal, grupo, o negosyo.

    Kailangan lang na merong account ang kumpanya sa eReg online facility ng BIR. Sa pamamagitan ng kanilang account, magagawan ang empleyado ng application para makakuha ng TIN.

    What other parents are reading

    Paano kumuha ng TIN ID: Ang kailangan na requirements

    Kapag empleyado, kailangan magpapasa ng kanyang requirements. Una dito ang nasagutang BIR Form 1902. Sunod ang government-issued ID na nagpapatunay ng kanyang pangalan, birth date, at address. Kabilang dito ang birth certificate, passport, driver’s license, o community tax certificate. Ibigay din ang marriage certificate kung hingin ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa non-Filipino o alien employee, kailangan ang passport at working permit o, sakaling inaayos pa ito, ang kopya na lamang ng naipasang Application for Alien Employment Permit (AEP) sa Department of Labor and Employment (DOLE).

    Kung walang eReg account ang kumpanya, ang empleyado ang mismong pupunta sa sangay ng BIR na tinatawag na Revenue District Office (RDO). Maaari siyang magsadya sa RDO kung saang siyudad matatagpuan ang pinapasukan niyang kumpanya o kaya ang kanyang tirahan. Ngayong panahon ng community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic, bukas ang mga opisina ng BIR ng Monday hanggang Friday, 9 a.m. to 4 p.m.

    What other parents are reading

    Ihanda ang dadalhing requirements. Puwedeng ma-download mula sa BIR website ang BIR Form 1902 o ang Application for Registration for Individuals Earning Purely Compensation Income (Local and Alien Employee). Mayroon din nito sa RDO mismo. Sagutan ang form at i-submit ito kasama ang government-issued ID. 

    Pagkatapos, makukuha na ang TIN ID. Isang cardboard ito na kulay dilaw at nakasulat dito ang numero bilang taxpayer. Lagdaan, dikitan ng ID picture, at ipa-laminate upang maging ganap na ID ang itsura. Naiulat noong January 2019 ang plano ng BIR na mag-issue ng TIN ID na may bagong disensyo, pero hindi pa ito naisasakatuparan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Paalala lang ng BIR sa mga new employees na dapat gawin ang filing ng application sa loob ng 10 days mula nang magsimulang magtrabaho sa bagong pinapasukang kumpanya.

    What other parents are reading

     

    Ang isa pang paraan kung paano makakuha ng TIN ID ay para sa mga self-employed gaya ng single proprietors, professionals, at freelancers. Kasama din sa kategorya ang empleyado na may iba pang pinagkakakitaan (mixed-income individual).

    Bago magpunta ang aplikante sa kanyang RDO, mainam na tumawag muna para makuha ang kumpletong requirements. Bukod kasi sa government-issued ID at application form, maaaring hanapan ng iba pang dokumento gaya ng mayor’s permit. Kung gagamit naman ng business trade name, dalhin ang DTI Certificate of Business Name.

    What other parents are reading

    Pag dating sa RDO, hingin ang 2018 version ng BIR Form 1901 (Application for Registration for Self-Employed and Mixed-Income Individuals, Non-Resident Alien Engaged in Trade Business, Estates/Trusts). Sagutan ito at pumila sa New Business Registrant Counter, kung saan isusumite ang lahat ng requirements.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung kumpleto ang dalang requirements, sasabihin ng kawani sa New Business Registrant Counter ang mga susunod na hakbang. Una dito ang pagbabayad ng Annual Registration Fee na Php500 at pagkakaroon ng resibo. (Basahin dito kung paano ang proseso ng pagkuha ng resibo.) Gawin ang lahat ng mga hakbang hanggang sa makakuha ng Certificate of Registration (Form 2303).

    Halos pareho ang paraan kung paano makakuha ng TIN ID para sa corporation at partnership, kabilang ang government agencies and instrumentalities (GAI) at local government units (LGU), at para sa one-time taxpayers. Iba lang ang gagamitin na form: BIR Form 1903 para sa unang grupo at BIR Form 1904 para sa huli. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close