-
Paano Mag-Budget Ng P20,000 Monthly Income: 'Wala Kaming Aircon, TV At Rice Cooker'
Kuwento ni Mommy Isabel na buti na lang lumaki ang asawa na masinop at madiskarte.by Isabel Dizon .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Ang pag-budget ay isa sa invisible work at suliranin ng mga nanay. Kabilang ako doon — napakahirap po talaga lalo kung hindi mo alam papaano pagkakasyahin ang inyong household income. Mataas ang bilihin ngayon at dahil sa pandemya, mahirap kumita ng pera kaya kailangan natin maging wais at madiskarte.
Buti na lang lumaki si mister na masinop at madiskarte. Laking sari-sari store siya kaya marunong humawak ng pera. Ako naman, lumaki sa simpleng pamilya at bawat gusto kong bilhin kailangan pagtrabahuhan para makuha.
5 simple pero epektibong budgeting tips
Nakatulong ang kinalakihan namin para maging masinop kami sa pera. Mahirap ang pagbu-budget lalo na sa simula pero eto ang nag-work sa amin. Sana makatulong po sa inyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWImportante na meron kayong ledger ng expenses
Ang gamit ko ay Excel sheet upang mabilis at madali. Automatic na rin ang computation. Pwede din naman notebook — basta ang mahalaga nalilista natin ang bawat expenses, bills at nilalabas natin na pera. Mahalaga na alam natin kung saan napupunta at dating ng pera.
Kung walang listahan, siguradong lagi tayong magugulat bakit ubos na ang pera.
Mag-budget at least isang buwan bago dumating ang income
Mayroon tayong fixed expenses tulad ng bills, mortgage, insurance at education. Nakakatulong ito sa amin para malaman kung magkano agad ang dapat pagkasyahin na pera.
Kung Php20,000 ang pera at Php10,000 ang napupunta sa fixed expenses, kailangan mapagkasya ang natirang Php10,000.
Magkaroon ng sistema sa monthly budget
Wala kaming air conditioner, television at rice cooker na kadalasan kumokonsumo ng malaki sa kuryente. Kung mayroon kaming ibang pangangailangan, sa grocery kami nagtitipid at umiiwas sa mamahalin na na brand.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Ang aming paghahati ng pera ay by percentage."Inaabot din ng tatlong buwan ang gasul namin dahil isang beses lang ako mag-luto sa isang araw at para makatipid sa ulam. Iisang putahe lang ang ulam namin sa tanghali at gabi.
Napunta din sa Internet ang transportation fund namin dahil work-from-home si mister. Ang savings ay para sa long-term goal at ang emergency fund naman ay para sa biglaang pangangailangan tulad na lamang ng sakuna o biglaang pagkawalan ng trabaho.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng health insurance ang sumasagot sa checkup namin monthly at hospital bills. Covered si mister at kami na beneficiaries ang binabayaran.
Malaking tipid din ang breastfeeding namin dahil hindi kami bumibili ng gatas. Wala kaming binabayaran na bahay at sa public school ko ini-enroll ang panganay ko ngayon taon. Kaya school supplies lang ang binibili namin at dahil remote learning, malaki ang natipid sa pamasahe, baon araw-araw. Hindi na kailangan pa bumili ng bag o sapatos!
Dahil sa natipid namin sa educational fund, nagkaroon kami ng chance magipon para sa birthday fund na kahit cake, pancit at ice cream mayroon kami makukuhaan.
What other parents are reading
Iprioridad ang needs vs. wants
Napakalaking tulong ng pag-iwas sa mga e-commerce websites. Tempting talaga ang mga sale doon at talaga naman mapapa check-out ka. Ngunit, ang mga sale promotion ay hindi nauubos at nawawala. Uulit at uulit yan kaya importante na alam natin ang kailangan ng ating pamilya. Hindi emergency ang sale.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaging wais sa lahat ng bagay
Piliin natin ang quality. Minsan ang sobrang pagbili ng mura, nakakadagdag sa gastos in the long run. Kaya importante na garantisado ang produkto na bibilhin lalo kung mag-iinvest sa appliances.
Hindi porket mura ay tipid, katulad na lamang ng pagbili ng shampoo sa buhok. Noon bumibili ako ng sachets para naka-pack na at hindi sosobra ang gamit. Ngunit mas mahal pala ang nakokonsumo nito sa isang buwan kumpara sa pagbili ng malaki. Importante din na nagbibilang tayo ng pag gamit sa mga bagay upang malaman natin kung nakakatipid ba tayo at maging madisiplina sa sarili.
Bilang role model, ang pag-hawak ng pera ay isang kaugalian na maipapamana at kakalakihan ng ating mga anak. Mahalaga na maturuan natin ang ating mga anak na bawat bagay ay pinaghihirapan at dapat pahalagaan. Bawat sentimo ay pawis ang kapalit kaya maging masinop.
Isabel Dizon (@mommybudgetarian) is a vlogger and a member of the Smart Parenting Mom Network.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments