embed embed2
  • Baon Sa Utang? 6 Bagay Na Kailangan Mong Gawin Para Maging Debt-Free

    Disiplina mo ang susi para maubos ang mga utang
    by Lei Dimarucut-Sison .
Baon Sa Utang? 6 Bagay Na Kailangan Mong Gawin Para Maging Debt-Free
PHOTO BY @Nipon Nuengpanom/iStock
  • Maraming tao ngayon ang namomroblema sa pera. Dahil sa COVID-19 pandemic, nanganganib ang mga negosyo at ang kasiguruhan sa trabaho ng mga empleyado. Kapag walang kita, paano na ang mga bayarin at mga pinagkakautangan?

    Linawin natin: karamihan sa atin ay may mga utang, malaki man ito (sa bangko o PAGIBIG para sa pabahay) o maliit (hiniram mong pera kay kumare). Hindi kasalanan ang magkaroon ng utang, pero dapat alam mo na mayroong tinatawag na "good" utang at "bad" utang.

    Malaki man yan o maliit, ang pinakamahalagang tanong ay eto: paano ka makakaahon sa utang? Posible ba talagang mangyari na mabayaran mo sa wakas ang iyong mga bayarin?

    Bakit hindi? Mas magiging madali kung susundin mo ang mga tips na ito.

    What other parents are reading

    1. Alamin ang sitwasyon mo sa pera.

    Kumusta ba ang finances mo? Ano ang mga pinanggagalingan ng income mo, at magkano lahat ito? Sa kabilang banda, ano naman ang mga utang na binabayaran mo? Gaano katagal mo pa ito babayaran? Ngayon, ikumpara mo ang kita mo sa utang mo. Mahalagang makita mo ang iyong kasalukuyang estado una at higit sa lahat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Gumawa ng budget.

    Ang isang dahilan kung bakit maraming tao ang nababaon sa utang ay dahil hindi sila nagba-budget. Hindi nila nababantayan saan napupunta ang pera nila, o di kaya ay mas inuunang pagkagastusan ang mga hindi naman kailangan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kumuha ka ng ballpen at papel. Ilista mo lahat ng pinagkakagastusan mo, at kung magkano ang napupunta dito buwan-buwan. Lahat, ha? 

    Ngayon, tingnan mo ang listahan. Katumbas ba ng ginagastos mo ang kinikita mo kada buwan? Kung pantay lang ang gastos at kita mo sa isang buwan, hindi mo talaga mababayaran ang utang mo — yan ay kung hindi ka magtatanggal ng non-essentials. Kaya mo kailangan ng budget.

    Para magawa ito, tingnan kung ano ang pinakamalaki mong gastos. Naayon ba ito sa tamang priorities, gaya ng pagkain, renta sa bahay, utilities (kuryente, tubig), at mga pangangailangan ni baby?

    Kung may utang ka pero nakaka-Starbucks ka pa nang madalas o may subscription ka sa Netflix, o di kaya ay nakabili ka pa ng bagong celphone noong Pasko, mag-isip-isip. Hindi necessity ang mga iyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan mong baguhin ang spending habits mo kung talagang gusto mong makaahon sa utang. 

    "E may bonus naman ako," kamo. Meron? Aba, ipunin mo! Huwag nating ugaliin ang pagiging "one-day millionaire." Hindi mo alam kailan ka ulit mangangailangan.

    3. Makipag-usap sa pinagkakautangan.

    Halimbawa, sa credit card company ka may utang. Kada buwan, minimum amount due lang ang binabayaran mo dahil hindi mo kayang bayaran nang buo. Ang problema, hindi mauubos ang utang mo sa credit card kung minimum amount due lang lagi ang babayaran mo. Makipag-usap ka sa bangko. Baka mapakiusapan mo din silang babaan ang interes — malay mo? Importante sa lahat, huwag mo nang gamitin ang credit card mo.

    What other parents are reading

    4. Isama sa plano ang pagbabayad ng utang.

    Sa budget na gagawin mo, maglaan ka ng pera na pambayad sa utang mo kada buwan. Isa iyon sa gawin mong priority, pagkatapos mong tanggalin yung mga non-essentials. At siyempre, kapag gumawa ka ng budget, kailangan sundin mo. Nasa tamang disiplina ang magiging tagumpay mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Pag may dumating na pera, ipambayad mo sa utang.

    Halimbawang bigla kang makatanggap ng perang hindi mo inaasahan, gaya ng bonus sa trabaho. Makakatulong nang malaki kung ipambabayad mo muna ito sa utang mo. Huwag ka nang manghinayang — isipin mong walang perang katumbas ang peace of mind na makukuha mo pag nakabayad ka na ng utang.

    6. Kung kaya, humanap ng iba pang pagkakakitaan.

    Kung mayroong paraan para madagdagan ang kita, bakit hindi mo gawin? Pambayad man sa utang o pandagdag sa ipon, wala kang talo dito basta marunong kang humawak ng pera.

    Basta mayroon kang maayos na plano at disiplina sa pera, mababayaran mo rin unti-unti ang iyong mga obligasyon, at makikita mo kung gaano kaginhawa ang buhay na walang iniintinding utang. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles