embed embed2
  • #ShareKoLang Paano Mag-Budget Ang Mga Moms Para Makaipon

    Mainam na magkaroon ng sariling sistema at diskarte sa paghahawak ng pera.
    by Jocelyn Valle .
#ShareKoLang Paano Mag-Budget Ang Mga Moms Para Makaipon
PHOTO BY Shutterstock/Bogdanovich_Alexander
  • Kung may isang bagay na naituro ang economic crisis bunsod ng COVID-19 pandemic, iyon ay ang kahalagahan ng pagba-budget ng suweldo ng mga magulang. Mas mainam talaga na may matira pang ipon para sa kinabukasan, lalo na ng mga anak.

    Ilang budgeting tips at ipon hacks ang ibinahagi ng mommies sa Smart Parenting Village Facebook group. Malaking tulong ang mga ito upang magkaroon ng sariling sistema at diskarte sa paghahawak ng pera. 

    Paano tamang pag-budget ng pera

    Halong stay-at-home at working moms ang nagbigay ng kanilang komento. May mga nagsabing sila ang humahawak pati ng suweldo ng kanilang mga mister. Ika nga ni Isabel Roberto-Vallejo, nasa kanya ang ATM card ng asawa niyang ayaw daw ng gawaing pagba-budget.

    Envelope system

    Upang malinaw kung saan dapat napupunta ang pumapasok na pera, isang paraan ang envelope system sa bawat kalalagyan nito.

    Bukod sa mga gastusin, payo ni Marycris V. Baldevia-de Guia na maglaan din ng envelope para sa ipon. Gumagawa rin siya ng Excel file para sa financial records ng pamilya. Sumubok siya ng budgeting apps, pero iba pa rin daw “’yung may papel.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumagana rin ang envelope system para kay Mel Annie. Aniya, “May feeling of satisfaction kapag nakikita ko ’yong sahod ko na naka-segregate.” 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Si Claudine Fernandez, hindi lang papel na envelope ang gamit. May pitaka siyang “monthly expenses” ang label at meron pang isa na “do not touch” naman ang label. Hiling niya na maging epektibo ang ganoong paraan nang mas makaipon para sa future ng anak at sa house renovation. 

    Percentage system

    Maaaring hati-hatiin ang pumapasok na pera ayon sa priority at urgency ng paglalaanan sa pamamagitan ng pag-porsiyento sa mga ito. Umuubra ang ganitong sistema para kay Criselle Tala dahil “commission/salary base si husband kaya forecasted ko na sweldo nya bago pa dumating.”

    Kaya ang money management tip ni Criselle, gawin ang ganitong hatiian: 

    • 50% expenses
    • 20% savings
    • 10% insurance/investments
    • 10% emergency funds
    • 10% tithes para sa simbahan

    Kuwento pa ni Criselle na siya ang humahawak ng ATM card ng kanyang mister. Automatic daw pag araw ng suweldo, magfa-fund transfer siya sa mga bank account na nakalaan para sa kanilang savings at emergency funds

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iyon namang 10% para sa insurance at investment, computed na raw niya kung magkano dahil fixed naman ang amount kada buwan.

    Aniya, “Included na do’n ’yung allowance namin na 10K, tig-5K kami ni husband every cutoff. Bahala kami kung ano gusto namin gawin do’n.” 

    Gumagamit si Criselle ng credit card “para controlled ko ’yung expenses” at alam niyang 50% lang ang budget para doon. Madami raw kasing perks sa paggamit ng credit card, tulad ng libreng gift certificates na ginagamit nilang pangtustos sa mga luho. Mayroon ding freebies, gaya ng food vouchers. 

    “Advance” system

    Tila pinaiiral naman ni Tine Serran ang advance na pag-iisip. Ang ginagawa kasi nilang mag-asawa, inilalaan nila ang “extra savings” ng buwan para sa gastusin ng susunod na buwan. Halimbawa, ang extra savings nila noong December ang pambayad nila sa nakuwenta na nilang expenses para sa January. 

    Paliwanag niya, “So for the whole month of January, prepared na may huhugutin na agad kami. Unlike na sa suweldo pa lang kami, on every 15th and 30th, nakaasa sa gastusin, paano na lang kung may biglaang gastos, di ba? So for February, [galing sa savings] naman from January, and so on.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, “Susubukan namin kung okay ang gano’ng style. Kung sumobra man sa expected budget, paghahatian pa rin namin ni hubby. Kasi di naman lagi same ang gastusin every month. Pag natapos ang school year, pang next tuition naman ang ipagtatabi namin.”

    Maaga din ang paghahanda ni Anna Mae Sevilla. Bago pa raw sumapit ang bagong taon, nasimulan na niyang gumawa ng monthly budget. Inilista na niya sa isang Excel file ang lahat ng kanyang expected income at expenses

    Bilang solo parent, ang kanyang suweldo lang daw ang inaasahan niyang source of income. Mayroon siyang investments, pero wala pa daw siyang plano na kunin na ang dividend/paper gains ngayong taon. Kaya hindi niya isinasama ang mga iyon sa spreadsheet. 

    Ang expected expenses naman daw ay nahahati sa ilang categories na regular niyang binabayaran (bahay, sasakyan, savings and investments, insurance), pati na para sa “rainy day fund” at one-time expenses. Kailangan daw makamit niya ang zero balance kada buwan hanggang sa katapusan ng taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos magawa ni Anna ang budget, nilo-load niya ang lahat ng info sa “favorite phone app” niyang Money Manager. Doon na daw niya ina-update ang income at expense categories nang real time para wala raw siyang makalimutan.

    Paano mag-ipon

    May kanya-kanyang diskarte ang mommies kung paano makaipon ng pera, maging tradisyonal man o gamit ang bagong technology. 

    Gumawa ng alkansya

    Patok pa rin ang paghuhulog ng pera sa alkansya sa maraming nanay. Si Arni Cap, Php50 ang hulog kada araw, mula January 1 hanggang December 31. Nakakaipon talaga siya, bukod pa sa savings at emergency fund.

    Umaabot daw sa Php18,000 ang ipon ni Arni, kaya five years na siyang gumagawa ng alkansya. Noong mga nakaraang taon, nagamit niya ang pera sa out-of-town trips nilang mag-asawa bilang celebration ng kanilang anniversary. 

    Magbukas ng extra savings account

    Maliban sa kanya-kanyang bank account ng mag-asawa, puwede ring magbukas ng joint savings account at isa pa para sa kanilang anak o mga anak. May tinatawag na kiddie savings account ang mga bangko para maenganyo ang mga kabataan na mag-ipon ng pera.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Subukan ang digital banks

    Patuloy ang paglawak ng serbisyo ng e-wallet, gaya ng Gcash, kung saan may makakita na digital bank. Ang balita ni Zaire M. Lequigan-Catungal, “mas malaki daw kasi ang interest,” kaya sinusubukan nilang mag-asawa. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles