-
May Raket O Balik Trabaho? Paano Sagutin Ang 5 Mahihirap Na Job Interview Questions
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming naghahanap ng pagkakakitaan ngayon, lalong-lalo na online. Ibig sabihin, marami kang maaaring maging kakompitensiya sa pag-aapply ng trabaho.
Bagaman hindi dapat gamitin laban sa iyo ang pagiging nanay mo, may mga pagkakataong hindi ito maiiwasan. Kaya naman para malusutan mo ang mga tinatawag na 'tricky interview questions,' ginawan ka namin ng guide.
Narito ang ilan sa mga posibleng itanong sa iyo ng mga employers at kung anu-ano ang mga pwede mong isagot:
Bakit matagal kang nawalan ng trabaho?
Isa ito sa mga pinakamadalas na itanong sa mga aplikanteng may mga gaps o bakante sa resume. Mahirap itong sagutin dahil maaaring personal ang ilan sa mga naging dahilan mo kung bakit panandalian kang hindi nagtrabaho.
Walang masama sa pag-amin na naging stay-at-home mom ka, kung ito ang naging dahilan ng hindi mo pagtatrabaho ng matagal.
Ipaliwanag mo na pinalad kang magkaroon ng pagkakataon para piliin na mag-focus muna sa pagpapalaki ng iyong anak. Ngayon, excited ka nang bumalik sa trabaho.
Saan mo madalas ginugugol ang oras mo?
Hindi mo na kailangang banggitin na ginagamit mo ang karamihan ng oras mo sa pag-aalaga ng iyong pamilya. Sa halip, gamitin mo ang pagkakataong ito para ipagmalaki kung paano mo magagamit ang iyong mom skills sa posisyong inaapplayan mo.
Ipagmalaki mo ang iyong attention to detail at self-motivation, pati na rin ang iyong problem solving skills. Kailangan mong ipakita sa iyong potential employer na relevant sa trabahong inaapplayan mo ang mga skills na nakuha mo sa pagiging nanay mo.
Balak mo pa bang magkaroon ng anak muli?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagaman hindi na ito dapat itanong sa iyo, pwede mo pa ring gamitin ito sa iyong advantage. Sa halip na magbigay ka ng mga detalye tungkol sa iyong personal na plano, pwede mong sabihin na ngayon, mas pinagtutuunan mo ng pansin ang paghahanap ng trabaho.
Sa tanong na ito kasi, tinitignan ng mga potential employers kung gaano ka kalaki ang dedikasyon mo sa iyong career. Kaya naman kapag sinagot mo ang tanong na ito, kailangang makita ng interviewer na may intensyon kang bigyan ng sapat na panahon at effort ang pagtatrabaho.
Ito rin ang magandang pagkakataon para ibahagi mo sa interviewer mo ang mga hakbang na ginawa o ginagawa mo para i-update ang iyong kaalaman na relevant sa posisyong inaaplayan mo. Pwede mong ikwento ang mga development classes na kinuha mo kung mayroon man, pati na rin ang mga workshops na sinalihan mo.
Paano mo babalansehin ang pagiging nanay at pagiging empleyado?
Dito mo pwedeng ipagmalaki na supportive ang asawa at mga kaanak mo sa pagbalik mo sa trabaho. Maaari mo ring ibahagi na mayroon na kayong nakahandang routine kung sakali mang magka-trabaho ka na.
Ano ang iyong greatest weakness?
Iwasan mo nang sagutin ito para sabihin na ikaw ay workaholic, perfectionist, at iba pa. Sa halip, ibahagi mo ang isang tunay na weakness na kasalukuyan mong ginagawan ng paraan o iyong weakness na nahanapan mo na ng solusyon.
Sa katunayan, pwede mo pang gamitin ang pagiging nanay mo sa iyong advantage. Pwede mong sabihing bago ka naging ina, hirap ka sa organization at prioritization. Ngunit nang maging ina ka, mas naging natural na ito sa iyo at mas madali na sa iyo ngayon na ayusin ang mga tasks mo sa isang araw.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng layunin sa pagsagot sa tanong na ito ay maipakita na hindi tayo lahat perpekto, ngunit mayroon tayong kakayahan para makita ang ating mga weaknesses at mag-effort para i-overcome ito.
Ilan lamang iyan sa mga mahihirap na interview questions na maaaring itanong sa iyo. Bagaman kailangan mong pag-isipang mabuti ang mga isasagot mo, mas mahalaga pa ring may paniniwala ka sa sarili mong kakayahan. Sa ganitong paraan, mas magiging natural ang pagsagot mo ano man ang itanong sa iyo ng interviewer.
Nag-apply ka na ba sa trabaho kamakailan? Kumusta ang iyong experience? I-share mo lang iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments