embed embed2
  • Gamitin Ang Virtual Pag-IBIG Portal! Paano I-Register Ang Membership Mo Online

    Narito ang mga hakbang kung paano ang online registration.
    by Jocelyn Valle .
Gamitin Ang Virtual Pag-IBIG Portal! Paano I-Register Ang Membership Mo Online
PHOTO BY iStock
  • Magandang balita sa mga miyembro ng Home Development Mutual Fund (HDMF), na kilala din bilang Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (Pag-IBIG), lalo na ngayong panahon ng epidemya. Hindi na kailangang magsadya pa sa alin mang opisina ng government agency na ito kung may katanungan sa inyong membership at loan o kanilang services basta mayroon ng Pag-IBIG online registration.

    Magagawa ito sa “Virtual Pag-IBIG” portal, na inilunsad noong December 2019, kung saan maaaring makita at masuri ng mga miyembro ang kanilang mga datos at iba pang mga detalye ano mang oras kung meron silang internet connection. Bisitahin lang ang website  o gamit ang browser, halimbawa Google Chrome, i-type lamang ang “Virtual Pag-IBIG” at i-click ang link papunta dito.

    Sa home screen, may ilang items sa menu. Ang “Be a Member” ay para sa mga hindi pa miyembro ng Pag-IBIG. Kung member na at gustong ma-access ang membership, kailangan munang gumawa ng account sa online portal. Kaya piliin ang “Create Account” at i-click ito para masimulan na ang paggawa ng Pag-IBIG online registration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    (Basahin dito paano mag-apply ng multi-purpose o calamity loan sa Pag-IBIG.)

    What other parents are reading

    Paalala lang na kung hindi memoryado ang Membership ID (MID) number, ihanda ang kopya nito para mabilis ang pag-fill out ng form dahil maaaring mag-refresh ang page kapag may antala. Maghanda na rin ng digital photo ng government-issued ID, tulad ng passport, pati na ang selfie hawak ang ganoong ID dahil requirement ang mga ito sa ilang form. Pillin iyong malinaw na mga litratro at puwedeng ma-upload sa form.

    Sa pahina ng “Create Your Virtual Pag-IBIG Account,” may tatlong option upang magawa ito. Ang una ay gamit ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus. Kung wala pang card, piliin ang ikalawang option. Iyon ang paggawa ng online account at pag-activate Pag-IBIG Loyalty Card Plus na gagawin sa Pag-IBIG branch mismo. Kung nagtatrabaho naman sa ibang bansa, piliin ang ikatlong option na para lamang sa mga overseas Filipino worker (OFW). 

    Kung pipiliin ang unang option, siguraduhin na Loyalty Card Plus ang meron ka. Ang lumang version kasi ng card na ito ay kulang sa mga detalye na hinihingi sa paggawa ng virtual Pag-IBIG account. Kung tamang card ang hawak, punan lang ang mga hinihinging detalye at sundin ang instructions. May konting antala lamang sa pagbibigay ng one-time PIN mula sa system tungo sa ibinigay mong mobile number. Antayin lang at kaagad i-type ang one-time PIN dahil may time limit ito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

     

    Sa ikalawang option sa paggawa ng virtual account, punan lang din ang mga detalye at sundin ang instructions, kabilang dito ang pag-apply para sa Loyalty Card Plus (may bayad ito na P125). Sa pagkakataong ito, kailangan na pumunta sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch para makuha ang card at ma-activate ang virtual account. Gawin ito sa loob ng pitong araw na palugit. Bukas ang Pag-IBIG branch ngayong General Community Quarantine (GCQ) tuwing weekdays, liban sa Wednesday na araw para sa disinfection, hanggang 4 p.m.

    Pareho lang ang siste sa ikatlong option na para lamang sa OFWs. Sa tanong tungkol sa mobile number, maaaring ibigay ang roaming number o numero ng kamag-anak sa Pilipinas. Punan ang mga detalye, kabilang ang pag-upload ng mga litrato ng government-issued ID at selfie hawak ito. 

    Matapos ma-fill out ang form at ang ma-check ang “I certify” box, i-click na ang “Submit” button. Sasabihin ng system kung tagumpay ang kanilang validation at ang paggawa ng iyong virtual Pag-IBIG account. Kung ito ang mangyari, sasabihin nito na hintayin ang activation notification na ipapadala sa email address na iyong ibinigay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring magtagal ng ilang araw o linggo ang proseso ng activation. Pero sa sandaling matanggap na ang notification sa email, ibig sabihin natapos mo na ang Pag-IBIG online registration. Bumalik lang sa Virtual Pag-IBIG portal, at sa pagkakataong ito, tumuloy na sa “Log In” para masubukan ang features sa portal.

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close