embed embed2
Mag-Invest Ng P500 Sa Government Bonds At Puwede Manalo Ng P1M!
PHOTO BY Shutterstock/JETACOM AUTOFOCUS
  • Sa halagang Php500, makakapagsimula na sa investment at maaari pa daw manalo ng papremyo hanggang Php1 million. Ito ay sa pamamagitan ng “Premyo Bonds 2” promo ng Bureau of Treasury (BTr,) na tatakbo hanggang December 11, 2020.

    Paano mag-invest sa Premyo Bonds 2 

    Nakasaad sa BTr website at Facebook page ang mga paraan at alintuntunin ng bagong serye ng promo na unang tumakbo noong 2019. Para makasali, maaaring magsadya sa:

    • sangay ng bangko na lisensyadong selling agents: BDO, DBP, Chinabank, Landbank, Metrobank, PNB, Unionbank
    • mag-log in sa BTr website
    • puwede ring gamitin ang mobile apps na Bonds.PH at OFBank.

    Kung Php500 ang minimum na investment, wala namang maximum na halaga na maaaring bilhin na government securities o bonds.

    Kapag bumili ka ng bonds, ipinapahiram mo ang iyong pera sa issuer nito, tulad ng gobyerno. Ibabalik sa iyo ng gobyerno ang perang ipinahiram mo na may kasamang interes pagkaraan ng napagkasunduang panahon.

    Magkano ang puwedeng kitain sa Premyo Bonds 2  

    Sa "Premyo Bonds 2," mayroong interes na 1.25 percent gross per annum at babayaran ito sa investor ng quarterly. Magagamit ang online calculator ng ahensiya para malaman kung magkano ang kikitain ng investment pagkaraan ng isang taon. Tandaan lang na mayroon pang 20 percent final withholding tax na ibabawas.

    Hindi man kalakihan ang balik ng investment kung minimum lang ito, may pagkakataon namang makalahok sa raffle. Isang raffle entry kada Php500 na investment. Di tulad sa lotto, hawak mo pa rin ang pera mo at madadagdagan pa ito kahit hindi ka tumama sa raffle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahat ng nag-invest, maliban sa mga empleyado ng Premyo Bonds Facility Agent (Land Bank Trust Banking Group) at ang kanilang mga kamag-anak, ay automatic na kasali sa Main Rewards.

    Sa Main Rewards, may multiple winners ng premyong Php100,000 at Php20,000, habang isa lang na grand winner ng Php1 million.

    Sa Special Rewards naman, ang mga investor ng mula Php500 hanggang Php20,000 ay may tsansa sa quarterly draw ng 50 winners ng premyong Php20,000. May tax pa din ang bawat mapapanalunang premyo.

    Ayon pa sa Facebook post ng BTr, “Automatic na iccredit ang quarterly interest payments, principal investment, at cash prizes kung kayo ay manalo, sa inyong settlement account.”

    Nagbigay ng paanyaya si National Treasurer Rosalia V. de Leon nang ilunsad ang “Premyo Bonds 2” nitong November 11, 2020, Aniya, “As more Filipinos get familiar with government securities, they will get into the habit of investing and, at the same time, help the government expand its financing footprint in the retail sector.”

    Para sa karagdagang detalye, pumunta sa www.treasury.gov.ph/premyobonds.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close