embed embed2
  • Wala Pang 3 Years Old, May Ipon Na Ang Batang Ito Na P77,000!

    "Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family friends na nagmamahal sa bata."
    by Jocelyn Valle .
Wala Pang 3 Years Old, May Ipon Na Ang Batang Ito Na P77,000!
PHOTO BY Pixabay
  • Magti-3 years old pa lang sa March 2021 ang unico hijo ng mag-asawang Jarlo at Perlita Manalad na si Gamaliel. Pero may ipon na ang bata na aabot sa Php77,000.

    Inipon kasi ng magulang niya ang lahat na natanggap ng kanilang anak na regalong pera, na ngayon ay nakaimpok na sa bangko.

    Masayang nagkuwento si Jarlo sa kanyang Facebook post nitong January 8, 2021. Aniya, “Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family friends na nagmamahal sa bata. Lahat po ng binigay niyo sa bata, mula ng bininyagan siya, ay para po sa kanya.

    “Wala kaming binulsang mag-asawa. Wala kaming pinantapal sa expenses niya, gaya ng ginastos sa binyag at 1st birthday niya. Hanggang sa huling sentimo, sa bata po iyan. At lahat pa ng ibibigay niyo ay idadagdag po d’yan.”

    Hangarin nilang mag-asawa na “mairaos ang edukasyon” ng kanilang anak. Kaya naman matatag ang kanilang paninindigan na hindi nagagalaw ang ipon ng bata bilang “pamana na namin sa kanya ’yan.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hangad din ni Jarlo na gawin ng mga magiging magulang pa lang ang naumpisahan nilang mag-asawa na pag-iipon para sa anak. Sana raw maitaguyod ng future parents ang “lahat ng expenses” ng future kids para “lahat ng bigay sa bata ay para sa bata.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May pahabol pa siyang impormasyon: “May small amount din kaming nilalagay mag-asawa d’yan kada sahod. Pero promise, maliit lang. Mas malaki pa din ’yung mga bigay.” (Php200 daw kada sahod ang ambag ng bawat isa.)

    Kaagad namang naging viral ang post ni Jarlo dahil tunay na relatable at inspiring ang kuwentong pagi-impok nilang mag-anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento sa Philippine Starnagsimula silang mag-asawa noong May 2018, binyag ni Baby Gamaliel. Itinabi nila ang lahat ng pasobre o perang ibinigay bilang regalo sa bata at inipon ang mga iyon.

    Lahad ng daddy ng bata, "’Yong idea nanggaling sa misis ko. Kasi nakita lang din niya sa internet, then shinare niya sa akin. Sabi ko, ‘Okay, let’s do it.’”

    Inamin ni Jarlo, isang hardware supervisor, na may pagkakataong muntik silang matukso ni Perlita, manager naman sa isang fast food chain, na galawin ang ipon ni Baby Gamaliel.

    Pagbabalik-tanaw niya, “Na-test siya no’ng first year ni baby. Kasi ’yong first year ni baby, d’yan ’yung sunod na sunod na vaccine kasi. ’Tapos ’yung vaccine, hindi naman cheap. So may vaccine na isang shot lang, Php6,000. So ’yun ‘yung mga bagay na tiniis mo na talagang huwag galawin, eh.”

    Malaking tulong ang pagiging masinop sa pera ng mag-asawa para buo pa rin ang ipon ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Jarlo, “Kasi meron naman kaming budgeting na mag-asawa. Meron kaming gano’ng fund na binabawas sa sahod namin. So pagkahawak namin sa sahod namin, dini-divide na namin siya. So do’n talaga lahat kinukuha. Hindi talaga magagalaw ’yung pera ni baby.”

    Ibinalita rin ni Jarlo na masaya ang mga ninong, ninang, at iba pang nagregalo ng pera sa bata. Paliwanag niya, “Kasi alam naman nating lahat ng thinking ng Pinoy na, ‘Uy, huwag nang magbigay ng pera kasi ’yung magulang lang ang makikinabang.’ So ayun, no’ng nalaman nila, natuwa sila.”

    Hiling lang ni Jarlo na sa paglaki ni Gamaliel ay magamit ng bata sa tamang paraan ang naipong pera. Lahad niya, “So siguro after niyang matapos ng pag-aaral, kung gusto niyang mag-business, kung anong gusto niyang gawin do’n sa pera.”

    Basta ngayon daw, silang mag-asawa, “hangga’t mairaraos namin ’yung education ng bata, hindi namin ’yun gagalawin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles