embed embed2
  • Umaabot Sa P12K Monthly Ang Kita Ni Mommy Sa Reselling Ng Itlog, Balut, Okoy, Atbp

    Teacher din si mommy, at kasalukuyang 8 months pregnant sa ikalawa niyang baby.
    by Jocelyn Valle .
  • Nagsimula sa Php2,000 puhunan si Cha hanggang napalago niya iyon.
    PHOTO BY Cha Arante

    Bukod sa pagiging teacher, negosyante rin si Cha Arante. Gumagawa siya ng veggie siomai at nagsu-supply sa eskuwelahan na dati niyang pinapasukan. Pero nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020, pinahinto muna ang face-to-face classes at nahinto rin pansamantala ang kanyang sideline.

    Sinubukan ni Cha na magbenta ng veggie siomai online. Kaso, sabi niya sa SmartParenting.com.ph, “hindi enough ang income.” Kaya naisip niyang pasukin ang reselling business.

    Reselling business ideas

    Lahad pa ni Cha, "Nag reseller ako ng marinated bagnet, salmon belly. Kaso mukhang nagsawa 'yung mga tao. Kaya nag-isip ako ng iba. Noong lumipat kami ng bahay last December 2020, naiisip kung ibalik 'yung itlog. Nagsimula ako, 12 trays. Then, after a month, 50 trays na kinukuha ko weekly. Mabilis 'yung pera sa itlog."

    Kuwento ni Cha na sa lugar nila, siya lang ang nagtitinda ng itlog. Kaya sa kanya na bumibili ang kanyang mga kapit-bahay at kalapit lugar. Aniya, "6 a.m., open na kami. Hanggang 9 p.m. kami bukas. Free delivery pa."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero hindi tumigil ang mompreneur sa itlog, bagkus dinagdagan pa niya ang kanyang mga paninda. Meron na siyang balut, penoy, itlog ng pugo, fish crackers, crispy okoy, toasted mamon, at otap.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Kahit malakas ang benta ni Cha sa itlog, nagdagdag pa siya ng paninda. Kabilang diyan ang balut, penoy, itlog ng pugo, crispy okoy, at mga biskuwit. Sariling produkto naman niya ang veggie siomai.
    PHOTO BY Cha Arante
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Reselling business success story

    Sabi ni Cha, nagsimula siya sa puhunan na Php2,000, at iyon na ang kanyang pinapaikot para tumakbo ang kanyang negosyo. Kung ano man ang kanyang tubo, itinatabi niya iyon bilang kanyang kita.

    Pansin niya na kapag kaunti lang ang kanyang kinukuhang paninda, maliit din ang kanyang tinutubo. Kaya nagpasya siyang damihan ang kanyang mga binebenta para nga naman malaki rin ang kita niya. Sa umaga ang white eggs at sa gabi naman ang balut at penoy.

    Ibinahagi ni Cha ang proseso niya sa pagnenegosyo: "Lagi akong naglilista ng expenses at profit namin. May malaki akong notebook para namo-monitor ko. First month na sa Php5,000 pesos ang kita ko sa isang buwan.

    "Pero, after 3 months, dahil marami ng product, nasa Php10,000 to Php12, 000 ang kita ko. Depende kasi sa dami ng kinukuha kong produkto."

    Rekomendado ni Cha ang reseller business sa mga naghahanap ng iba pang mapagkakakitaan. Aniya, "I encourage them na mag-reselling din sila. Kasi very flexible 'yung time, 'tapos lumalawak din 'yung connections mo. Marami kang nagiging friends.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Kapag okay ka at 'yung product mo, i-re-refer ka nila. Importante masaya ka sa ginagawa mo. Kailangan talaga madiskarte at matiyaga ka."

    As a working mom

    Kahit na patok ang kanyang reselling business, patuloy pa rin si Cha sa kanyang profession bilang teacher sa sarili niyang learning center. Nang mabuntis daw kasi siya sa kanyang ikalawang anak noong 2020, nagdesisyon siyang mag-resign sa eskuwelahang pinapasukan bandang October.

    ITeach School for Mathematics ang pangalan ng kanyang learning center, na online pa rin ang pamamaraan. Dagdag pa diyan, nagtatrabaho pa siya bilang English coach  sa isang ESL company. Flexible naman daw ang schedule ng lahat ng kanyang trabaho kaya nakakaya niyang pagsabay-sabayin.

    Ganito ang kanyang regular day: "5 a.m. pa lang gising na ako. Kasi may online class ako ng 6 a.m. hanggang 8 a.m., Monday to Friday.' Yun 'yung ESL. Pero, before ako mag-start ng klase, nakaayos na 'yung mga eggs para i-display.  Binubuksan lang namin 'yung gate.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Maaga rin ako nagpo-post online ng product namin. Dahil nasa bahay lang ako nagtratrabaho, marami akong time para sa anak ko. Kapag may nago-order online, pinapa-deliver ko sa pamangkin ko. Before merienda time, nagpo-post ulit ako online ng itlog pugo, crispy okoy, otap at toasted mamon [para sa reselling business].

    "5 p.m. naman pinapaluto ko na 'yung balut at penoy. Medyo matagal kasing lutuin. 7 p.m. to 8 p.m. magtuturo na ako ulit. Kapag Saturday and Sunday naman, may Math coaching naman ako sa hapon. Kaya marami pa rin akong time sa morning."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles