embed embed2
  • Paano Magkabahay? Ang Sikreto Nina Dianne Medina At Rodjun Cruz Pagdating Sa Pera

    Matagal nag-ipon ang dalawa bago sila nagkaroon ng kanilang dream house.
    by Ana Gonzales .
 Paano Magkabahay? Ang Sikreto Nina Dianne Medina At Rodjun Cruz Pagdating Sa Pera
PHOTO BY Instagram/Dianne Medina
  • Bago pa man ikasal ang celebrity couple at ngayo'y mom and dad na na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, mayroon na silang joint account at nasimulan na nilang mag-ipon.

    "Meron kaming joint account agad," kwento ni Rodjun nang makakwentuhan namin siya sa isang episode ng Dibdibang Usapan.

    "'Yung future namin, alam namin na kami na [ang para] sa [isa't-isa] kahit hindi pa ako nag-popropose."

    Sabi pa ni Rodjun, si Dianne daw talaga ang magaling sa budgeting. Pero kung noon ay Y.O.L.O (You Only Live Once) si Rodjun, ngayon ay nag-iipon na siya para sa anak nila ni Dianne na si baby Joaquin.

    "Gusto naming mabigyan siya ng magandang future so bina-budget talaga namin," kwento niya.

    "'Yung kinikita ko, binibigay ko kay Dianne," dagdag pa ng celebrity dad. "Siya 'yung nagba-budget, pero alam ko naman din kung saan napupunta ang mga iyon at tumutulong din ako sa kanya."

    "Team talaga kami sa pagpapatakbo dito sa bahay," bida pa ni Rodjun.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang tanungin siya ng Smart Parenting kung hindi ba nila naisip noon ni Dianne kung paano ang joint account sakaling maghiwalay sila, hindi napigil ni Dianne na sumagot at i-share kung paano nila naabot mag-asawa ang kanilang mga financial goals.

    Inisa-isa ni Dianne kung anu-ano ang mga pinagtulungan nilang gawin ni Rodjun. Sinabi rin ng mag-asawa na teamwork ang naging susi nila para marating kung nasaan sila ngayon. 

    Ihanda ang iyong papel at lapis, mommy! Ilista mo na ang mga ipon techniques nina Rodjun at Dianne. Panoorin ang kabuuan ng Smart Parenting Exclusive interview dito:

    Ganito rin ba ang ipon techniques ninyong mag-asawa? Paano ninyo naabot ang inyong mga financial goals? I-share mo lang iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Mapapanood mo ang buong serye ng Dibdibang Usapan kasama si Rodjun Cruz sa Smart Parenting YouTube Channel.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles