Kahit kasal na ng higit apat na taon, napapanatili nila Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang pagiging independent pagdating sa usaping pinansiyal. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kani-kanilang bank account at savings.
Paliwanag ng Filipino-French actress-artist na madalas niyang marinig sa ibang tao na pera ang ugat ng malalaking away mag-asawa. Kaya para maiwasan ito, nagpasya sila ng kanyang Argentine businessman husband na huwag pakialaman ang kita at ipon ng isa’t-isa, bagkus nagbukas na lamang sila ng joint bank account.
Sabi pa ni Solenn, “Nico and I are quite modern, so we have two separate bank accounts and a joint. So my earnings are my earnings, and his earnings are his earnings. And then we have a joint account, wherein monthly we put in the same amount.”
Ang joint bank account ang pinagkukunan nila ng panggastos sa bahay, gaya ng groceries at bills. Dito rin nanggagaling ang mga pangangailangan ng kanilang panganay na si Thylane Katana Bolzico, na ipinanganak noong January 1, 2020.
Nakausap ng celebrity couple ang SmartParenting.com.ph sa online media launch ng AIA Med-Assist for Children, ang bagong produkto ng AIA Philam Life insurance company na lumalayong sagutin ang medical expenses dulot ng pagkakaospital ng mga batang edad 0 hanggang 17 years old.
Kuwento ni Solenn na kadalasang hindi pinag-uusapan sa pamilya ang paksa ng insurance kaya lumalaking hindi interesado ang mga kabataan. Tulad niya, kalaunan na lang nakikita ng nakakarami ang kalahagahan nito.
Para sa kanya, importante na simulan ng magulang ang pag-uusap sa anak kapag nakakaintindi na ito. Hindi pa nakakarating sa ganyang punto ang kanilang anak, pero ngayon pa lang ay marami na silang maibabahing aral bilang ehemplo ng pagtitipid.
Aminado kasi si Solenn na kuripot siya pagdating sa kanyang sarili pero magarbo naman para sa ibang tao, habang tunay na hindi magastos ang kanyang mister.
CONTINUE READING BELOW
watch now
Sumang-ayon naman si Nico, isang negosyante na ang pamilya ay nagmamay-ari ng Bolzico Beef sa Argentina. Lahad niya, “I don’t spend so much. I’m very low maintenance. I’m a farmer, so I wear simple clothes every day. I don’t have a sense of fashion. I can eat steak and salad every day.”
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.