embed embed2
  • Puwede Kang Mag-Apply Ng SSS Disability Claim Sa Pamamagitan Ng Online Filing

    Malaking ginhawa ito sa SSS members.
    by Jocelyn Valle .
Puwede Kang Mag-Apply Ng SSS Disability Claim Sa Pamamagitan Ng Online Filing
PHOTO BY Canva
  • Simula January 2023, tumatanggap na ang Social Security System (SSS) ng disability claim applications sa pamamagitan ng online filing. Kailangan lang nakapag-register na sa My.SSS Portal.

    Alinsunod ang online facility ng SSS sa Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018. Layunin nito na gawing simple, mabilis, at awtomatik ang pagproseso ng pagkuha ng mga benepisyo.

    Malaking ginhawa ito sa mga miyembro, saad ni SSS president and CEO Rolando Ledesma Macasaet sa press release ng ahensya na pinadala sa Smart Parenting. Kahit anong oras kasi ay makakapagsumite ng disability claims application nang hindi na pumupunta sa opisina o di kaya sangay ng SSS.

    Ano ang SSS Disability Benefit?

    Ito ang benepisyong pinansyal (cash benefit) na ibinibigay sa miyembrong nagkaroon ng permanenteng kapansanan o pagkabalda (permanent disability), bahagya (partial) man o lubusan (total).

    Kailangan lang na nakapaghulog ang miyembro ng hindi bababa sa 36 monthly contribution sa nakalipas na 6 na buwan (katumbas ng 1 semester) para maging kuwalipikado sa lifetime monthly pension ang total disability case.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa partial disability case, kailangang nakapaghulog ng monthly pension depende sa hinihinging bilang ng buwan.

    Kung kulang sa required number ng monthly contribution, pero mayroon kahit isang buwan na hulog na nagawa anim na buwan (one semester) bago nangyari ang disability, maaaring makatanggap ng lump sum disability benefit. Magbabase pa rin ito sa mga patakaran sa ilalim ng Social Security Law.

    Paano makukuha ang disability benefit?

    Ilang paalala bago gawin ang online filing ng Disability Claim Application (DCA):

    1. Siguraduhin na mayroon kang registered account sa My.SSS Portal na makikita sa SSS website. Kung wala pa, basahin dito kung paano ang registration.

    2. Siguraduhin na mayroon kang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card, at naka-enroll ito bilang ATM. Kung wala ka pang UMID, basahin dito kung paano ka makakakuha nito.

    3. Kailangan mong gumawa ng disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM). Mag-log in lang din sa iyong My.SSS account at hanapin ang Benefits Tab, kung saan i-click ang  “Apply for Disability Claim.”

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hintayin ang validation ng iyong records sa SSS at eligibility para sa benepisyong ito. Lalabas ito sa iyong screen. Kung kuwalipikado ka, bibigyan ka ng listahan ng supporting documents na kailangan mong isumite. Halimbawa: medical certificate mula sa iyong doktor sa loob ng 6 na buwan.

    Maaaring hingan ka pa ng ibang dokumento na sa tingin ng SSS ay kailangan pa. Tandaan na dadaan ang lahat ng DCA sa medical evaluation. Kaya kung kinakailangan mong gawin ang Physical Examination at Interview (PEI) sa Medical Evaluation Center ng alinmang SSS branch, mayroon ka lang 20 araw para rito. Kapag lumampas ka sa deadline, mababale-wala ang iyong application.

    4. Hintayin ang resulta ng iyong application, na ipapadala sa pamamagitan ng iyong registered email address.

    Samantala, kailangang isumite ang disability claims application sa alinmang SSS branch kung:

    • Ang miyembro ay walang pisikal na kakayahan (incapacitated), o di kaya nasa pangangalaga ng guardian. Iba pang dahilan ang pag-confine sa penitentiary, correctional, o rehabilitation institution. Ibig sabihin, ang kanyang guardian o representative ang mismong magsusumite ng application sa SSS branch.
    • Ang aplikasyon ng Portability Law o Bilateral Social Security Agreement.
    • May adjustment o di  kaya re-adjudication ng disability claim.
    • May unclaimed benefit ang pumanaw nang miyembro.
    • Iba pang kondisyon o kaso na susuriin pa ng SSS.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa maternity benefits, basahin dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close