-
Step-By-Step Guide: Paano Mag-Apply Sa Online Jobs?
by Pauline Ann Edra .
- Shares
- Comments

Maraming nagtatanong sa SmartParenting.com.ph, sa Facebook page man o sa group na Smart Parenting Village, kung paano nga ba kumita online ng nasa bahay lang. Narito ang ilang impormasyong maibabahagi ko tungkol dito.
Paano mag-apply sa online jobs
Bago ka magsimulang mag-apply online, narito ang mga bagay na kailangan mong ihanda.
Laptop o personal computer na may stable na internet connection
Talaang ito ang mga kailangan—hindi tablet o cellphone.
Online profile
Kailangan mong gumawa ng online profile sa mga freelance platforms tulad ng Upwork, onlinejobs.ph, o freelancer.com.
PHOTO BY Homebased Mom TribeSa aking experience, sa onlinejobs.ph ako gumawa ng account. Nilagay ko ang mga skills and job experiences ko at nag-upload ako ng latest na resume ko.
What other parents are reading
Mode of payment
Gumawa ka ng account sa Paypal or Transferwise or iReady ang bank account para mabayaran ng client.
Kapag naihanda mo na ang mga ito, saka ka pa lang pwedeng mag-apply online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga kailangan tandaan para sa online work from home
Ang makukuha mong bayad ay depende sa iyong expertise
Ang rate per hour ng newbie normally ay $3 to $5 per hour. Matindi ang competition ngayon sa dami ng gustong mag-work-from-home, kaya minsan, talagang mababa ang offer ng ibang mga clients.
What other parents are reading
May limit ang application
Minsan may limit per day ang application. Kaya dapat, piliin mo 'yung job posts na swak sa skills and expertise mo bago ka mag-apply. Ang job interviews ay kalimitang ginagawa sa Skype o Zoom. May mga clients din na sa chat lang nag-iinterview.
Huwag na huwag magbabayad
Basta humingi ng pera, NO NO NO. Naghahanap ka ng trabaho para kumita, hindi para mag-labas ng pera. Para lang din itong regular na paghahanap ng trabaho—ang kaibahan lang ay nasa bahay ka. Hindi ka naman hihingan ng pera ng HR ng isang kumpanya hindi ba?
What other parents are reading
Tandaan mo lang na kailangan ng mahabang pasensya kasi mahirap at matagal-tagal din makahanap ng kliyente. Tiyagaan lang talaga. Hindi porket may experience ka sa BPO eh mas lamang ka na sa iba. While waiting, pwedeng sumali sa mga homebased groups sa Facebook tulad ng Filipina Homebased Moms, Upwork Philippines, at Online Filipino Community.
Pwede ka ring mag-take ng mga free online courses o manood ng mga YouTube videos kung paano maging freelancer.
Si mommy Pau ay isang amateur wife and mom of three. Dati siyang team leader sa isang BPO, pero nagsawa na siya sa traffic. Ngayon, 'yung dating apat na oras na inuubos niya sa biyahe papasok at pauwi ay ginugugol na niya kasama ang kanyang pamilya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMay mga ideya ka ba kung paano pumasok sa mga online jobs? Ikwento mo sa amin sa comments section. Pwede mo ring ibahagi ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kasali ka na ba?

- Shares
- Comments