-
Usapang Utang: Sino Ang Magbabayad Ng Utang Kung Hiwalay Na Ang Mag-Asawa?
May payo rin ang abogado ukol sa kasunduan sa ari-arian para sa mga magpapakasal pa lamang.by Judy Santiago Aladin .
- Shares
- Comments

Ang usapang utang o pera ay isa sa mga pinakasensitibong topics lalo na sa pagitan ng mag-asawa. Paano pa kung mag-desisyon na kayong maghiwalay?
Kaya naman, inalam namin kung paano mapoproteksyunan ang bawat isa sa panahong maghiwalay na ang mag-asawa, ngunit may mga utang pang kailangang bayaran.
Ano ang sinasabi ng batas sa usaping utang ng mag-asawa?
Ayon kay Atty. Kolleen V. De Guzman, sa kanyang panayam sa SmartParenting.com.ph, maraming bagay ang kailangang isaalang-alang upang malaman kung sino ba talaga ang dapat mag-bayad sa utang kung ang mag-asawa ay magpasyang maghiwalay na.
- Sino ang umutang
- May consent ba ito ng asawa
- Kung nakinabang ba rito ang pamilya
- At kung ano ba ang property relations ng mag-asawa
Kung ang mag-asawa ay ikinasal matapos maipasa ang Executive Order No. 209 o mas kilala sa tawag na Family Code of the Philippines noong 3 Agosto 1988, ang susundin ay ang Absolute Community of Property, kung saan nagiging co-owner ang mag-asawa ng lahat ng ari-arian nila habang sila ay kasal.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnu-ano ang pwedeng maging kasunduan ng mga mag-asawa ukol sa mga ari-arian nila?
Paliwanag ni Atty. De Guzman, maaaring magkasundo ang mag-asawa o ang mga ikakasal pa lamang sa anumang property regime:
Absolute Community of Property
Ito yung default na property regime ng mag-asawa in the absence of a pre-nuptial agreement kung saan lahat ng pagmamay-ari nila habang sila ay kasal ay co-owner silang dalawa.
Conjugal Partnership of Gains
Nilinaw ni Atty. De Guzman na para ito ang masunod, ang mag-asawa ay dapat magkaron ng kasunduan na ito ang susundin sa property relations nila. Sa Conjugal Partnership of Gains, habang sila ay kasal, inilalagay ng mag-asawa sa tinatawag na “common fund” yung proceeds or income ng separate properties nila at lahat ng ari-arian that they will acquire thereafter.
“Sa madaling sabi, sa absolute community, lahat ng properties ng mag-asawa at the time of the marriage ay nagiging community property or pagmamay-ari na nilang dalawa, while in conjugal partnership, napapanatili ng bawat isa ang kanilang mga pagmamay-ari bago sila ikasal, at tanging yung mga kinita o income ng properties na ito ang nagiging part ng conjugal properties habang kasal sila,” paliwanag niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPwede bang magkasundo na walang common properties ang mag-asawa?
Pwede rin daw ito ayon kay Atty. De Guzman kung magkasundo ang mag-asawa na magkaroon ng Separation of Property. Dito, kanya-kanya sila ng mga ari-arian at mag-aambagan lang sila sa mga family expenses. Para ito ay mangyari, kelangan magkasundo o may kasunduan ang mag-asawa.
Maipapasa ba ang utang kung naghiwalay na ang mag-asawa?
Sa mga mag-asawa na hindi legal na hiwalay at ang property regime nila ay absolute community of property or conjugal property of gains, yung mga utang nila na nag-benefit ang pamilya at may pahintulot ng bawat isa ay ibabawas sa community property o common fund ng mag-asawa.
Kung wala naman pahintulot ang isa sa mag-asawa pero ang utang ay para sa benefit ng pamilya, ito ay maibabawas parin sa common fund nila.
Paano kung hindi alam ng isa na umutang ang kanyang asawa?
Kailangan mapatunayan ni nagpautang o ni pinagkakautangan na nakinabang ang pamilya doon sa inutang para masingil nila ito sa community property o sa common fund ng mag-asawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung hindi ito napatunayan ng nagpautang, maaaring yung spouse na umutang lamang ang dapat pagbayarin.
Ano ang mga pwedeng gawin?
1. Sumangguni sa korte.
Lahat ng mag-asawa na piniling maghiwalay, maaaring lumapit sa korte upang dumaan sa Judicial Separation of Property. Ito ay isang proseso kung saan ang mag-asawa ay lumalapit sa korte at humihingi ng tulong upang paghiwalayin na ang property relation nila.
Ibig sabihin, sa oras na maghiwalay sila, ang property ng isang asawa ay hindi na mananagot sa kung ano man charges o utang ng kapareha nito.
2. Mag-file ng legal separation or annulment.
Ang mag-asawa ay maaaring mag-file din ng either Legal Separation or Annulment upang mapaghiwalay ang property relations ng mag-asawa.
Payo ni Atty. De Guzman, "Sa mga mag-asawa’ng hindi na nagsasama talaga at sa tingin nila ay hindi na rin sila magkakaayos, ang mapapayo ko po sa inyo ay mag file ng petition for judicial separation of your properties para maiwasan yung pangamba sa utang na pwedeng maipasa sa kanila."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSi Atty. Kolleen V. de Guzman ay isang Anti-Fraud Legal Officer sa isang government-owned and controlled corporation.
Paano nga ba makakaiwas sa utang? Alamin ang mga eksperto dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments