-
Home How This Single Mom Became A Homeowner At 25: 'Ayaw Ko Nang Palipat-Lipat Kami'
-
Preschooler 10 Etiquette Lessons To Help Your Child Grow Up Kind, Well-Behaved, And Respectful
-
Your Health Mom Opens ‘Scream Hotline’ To Help Fellow Mothers Release Stress Amid The Pandemic
-
News Andi Eigenmann And Philmar Alipayo's Underwater Engagement Photoshoot Looks Magical
-
'Gaming Is Not A Waste Of Time' Alden Richards Raises 200K For Typhoon Victims
Ginamit niya ang mga nakuha niyang star donations o tips para makabili ng mga essentials.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Facebook/Alden Richards
Kung noo'y ayaw na ayaw ng mga magulang na naglalaro ng computer games ang kanilang mga anak, ngayon, may mga magulang nang masayang sumusuporta sa ganitong hilig ng mga bata.
Ito ang siyang naging karanasan ng aktor at gaming video creator na si Alden Richards. Sa isang Zoom call kasama ang Summit Media Group journalists, ikinwento ni Alden na bata pa lang siya'y mahilig na talaga siyang maglaro.
"I've been a gamer since I was 7 years old," kwento niya.
Aminado naman si Alden na hindi agad suportado ng mga magulang niya ang hilig niya sa paglalaro ng mga desktop at console games.
Ngunit dahil na rin sa pagbabago ng panahon at ng purpose ng paglalaro, nabago rin ang pananaw ng kanyang mga magulang.
Ngayon nga ay ginagamit niya ang kanyang estado bilang artista, gaming video creator at Bida Solusyon ambassador para tulungan ang mga nangangailangan.
Kamakailan lang ay nakalikom siya ng mahigit Php200,000 sa pamamagitan ng isang charity gaming stream, para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGinamit niya ang mga star donations o tips para ipambili ng ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga naging biktima ng bagyo na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa putik at napapaligiran pa rin ng mga basura.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos"Nagpunta ako sa Marikina ang then I saw na grabe talaga. Up to this point there are mountains of trash and you can still see other people clearing out mud deposits in the streets," kwento niya.
Pagkatapos niyang magpamigay ay narealize niyang hindi lang pala pampalipas oras ang paglalaro.
"What happened yesterday for me is a higher purpose on gaming," kwento niya. "Kung ang tingin ng iba sa gaming is just a waste of time and panahon at oras, it's not."
Panoorin ang kabuuan ng interview kay Alden dito:
Gamer din ba ang anak mo? Okay lang ba sa iyong gawin niya itong career? I-share ang iyong pananaw sa comments section.
What other parents are reading

Trending in Summit Network