embed embed2
  • Bilis Ng Panahon! Empty Nesters Na Sina Aga At Charlene Sa 2020

    Naghahanda na sina Aga at Charlene sa pagpunta abroad ng kanilang mga anak para sa college.
    by Jocelyn Valle .
  • Special ang Christmas celebration ng pamilya ni Aga Muhlach ngayong taon dahil, ayon sa kanyang misis na si Charlene Gonzalez, dito sa Pilipinas sila magdidiwang. Madalas kasi na bumibyahe sila palabas ng bansa taon-taon.

    Kuwento ng dating beauty queen at actress sa SmartParenting.com.ph na kapag Pasko ay sila lang nila Aga at kanilang 18-year-old twin kids na sina Andres at Atasha ang magkakasalo. Aniya, “Nagdi-dinner kami. We spend the whole day together. Talagang kami lang. Then the relatives come over.”

    Isa marahil sa mga rason kung bakit dito sila magpa-Pasko ay may pelikula si Aga na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF), na nagbubukas sa mga sinehan ng December 25, araw ng Pasko, at tumatakbo ng dalawang linggo. Ang huling MMFF na pelikula ni Aga ay noong 1993 pa, kung saan katambal niya si Aiko Melendez sa romance drama na May Minamahal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayong 2019, pinagbibidahan ni Aga ang Miracle in Cell No. 7, na remake ng South Korean hit movie na may parehong titulo at napamahal na sa maraming Pinoy. Ang pelikulang ito ng Viva Films ay nagkaroon ng premiere night noong December 16 sa SM Megamall, at doon namin nakausap si Charlene kasama ang kanilang anak na si Atasha. Paliwanag niya na hindi nakadalo si Andres dahil nag-aaral ito para sa exam kinabukasan.

    Todo suporta ang pamilya Muhlach sa haligi ng kanilang tahanan kaya may plano silang samahan ito sa MMFF promotional tradition na kung tawagin ay Parade of Stars. Dito ay may kanya-kanyang float ang bawat kalahok na pelikula na sasakyan ng kanilang mga artista para maglibot sa mga piling lugar sa Metro Manila. Dadalo rin silang mag-anak sa awards night, kung saan inaasahang mananalo bilang Best Actor si Aga.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Marahil ay sinusulit na nila ang mga panahong magkakasama sila dahil sa susunod na taon ay magtatapos na ang kambal ng high school at papasok na sila sa college sa ibang bansa. Ani Charlene ay magkapareho ang kursong napupusuan ng mga bata, ang Business Management, ngunit sa magkaibang eskuwelahan at bansa. Si Atasha daw ay desidido na sa United Kingdom, habang si Andres ay hati ang desisyon sa United States at Spain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Pero sana nasa Europe na lang sila,” sabi ni Charlene dahil mahirap nga naman na magpalipat-lipat sila ng kontinente. “We’ll see. In the end, it’s their decision.”

    Napabuntong-hininga siya nang tanungin kung paano silang mag-asawa ay naghahanda sa pag-alis ng mga anak para sa kanilang college studies at harapin ang posibleng empty nest syndrome. Ayon sa Psychology Today, ang empty nest syndrome ay isang transitional period kung saan nakakaranas ng loneliness at loss ang mga magulang sa pag-alis ng mga anak sa tahanan upang maging independent adults.

    Pag-amin ni Charlene, “Actually, hindi ko pa alam. Kasi siyempre ang sakit. Bilang magulang, mahirap ’yan. I don’t know. I’ll cross the bridge when I get there. But I try to enjoy every moment.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close