embed embed2
  • Sabi Ni Alice Dixson, ‘A Bit Anxious’ Pa Siyang Umuwi Sa Pilipinas Kasama Ang Kanyang Baby

    Kasalukuyang nasa North America ang aktres.
    by Jocelyn Valle .
  • Pagkatapos ibalita ni Alice Dixson noong Good Friday, April 2, 2021, na isa na siyang mommy sa edad 51 (basahin dito), unti-unti na niyang isinasama ang kanyang baby sa kanyang social media posts.

    "Hee haw" bati ng aktres sa caption ng isa niyang post kamakailan. Makikita sa litrato na nakahawak siya sa stroller. Kasalukuyan siyang nasa abroad kasama ng kanyang anak, na tinatawag niyang "Baby A."

    Sabi pa niya, "Let's take these new wheels out for a spin, shall we?!"

    Inanyayahan rin ni Alice ang kanyang followers na abangan ang susunod na episode sa kanyang vlog. Mapapanood sa teaser na bumiyahe silang mag-ina mula Canada papunta sa United States.

    Aniya, "Watch out for my upcoming vlog on how to fly solo with a newborn ???????? (that’s right peeps, no assistant in tow) just little Baby A & I."

    Inamin niya rin ang nararamdaman tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas, "Truth be told: I'm a bit anxious about flying back to Manila this month with travel restrictions, Covid & all. Many people have questioned and discouraged me pero tingnan natin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa followers ni Alice ang nagsabing sabik na silang makita ang kanyang anak. Nagpahiwatig pa silang baby girl ang bata.

    Samantala, sinabi ni Alice sa interview niya noong November 2019 kay Karen Davila na matagal niyang gustong maging mommy. Sumusubok daw siya at kanyang longtime partner na magkaanak sa pamamagitan ng surrogacy.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento ni Alice sa ANC Headstart tungkol sa pagiging magulang nila ng kanyang partner:"I have not given on that. This is our last year to try."

    Ipinaliwanag niya rin kung bakit surrogacy ang napili nilang paraan para bumuo ng pamilya: "Sa akin, it was never about the way I’d look after [giving birth]. It was about my age and…It was about the safety of the child, the wellness of the baby."

    Sumubok daw siya noon na mabuntis pero, sabi ni Alice, "it didn't work out." Kaya nagdesisyon silang mag-partner na subukan naman ang surrogacy. Dream niya  raw talagang maging mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinabi rin ni Alice nang mag-guest naman siya sa Tunay na Buhay TV show ni Pia Arcangel noong January 2020, na wish niyang magkaanak sila ng kanyang partner. "We're still trying to make a baby."

    Natupad na nga ang pangarap ni Alice ngayong 2021.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Download on Android devices here

Download on iOS devices here

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles