embed embed2
  • And Then They Were 5! Nanganak Na Si Andi Eigenmann

    May baby brother na sina Ellie at Lilo.
    by Jocelyn Valle .
  • Nanganak na si Andi Eigenmann sa kanyang third child at second naman nila ng fiancé na si Philmar Alipayo

    Ibinahagi ng aktres ang magandang balita sa Instagram ngayong Monday, January 18, 2020. Nag-post siya ng litrato kasama si Philmar at ang kanilang newborn.

    Aniya sa caption, "We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock!

    "Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!"

    Ilang minuto pagkatapos, nagpost na rin si Philmar ng photo sa Instagram. Aniya, "Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko [heart emoticon] you are the strongest person I know."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bagamat hindi kasama sa litrato, kasalo nila Andi at Philmar sa kasiyahan ang anak nilang si Lilo, at ang panganay ni Andi na si Ellie sa pagdating ng first baby boy sa kanilang pamilya.

    Ilang araw bago siya manganak, nag-post si Andi ng family picture. Aniya sa caption, “A quick DIY photoshoot at home for more memories of my pregnant belly. Just one of the last minute stuff we didn't want to regret not doing for when this is all over. 

    "We haven't prepared as much as the last one. (Definitely more chill this time around).”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang tinutukoy ni Andi na “the last one” ay ang kapanganakan ni Lilo noong July 23, 2019. Samantala, ipinanganak naman niya si Ellie noong November 23, 2011. 

    Pagpapatuloy niya, “But this experience is just as exciting and special for us as the last. Our little islandboy is yet another symbol of our love and we feel more than blessed to have these precious littles to raise and nurture together, and grow with too. I am 38+ weeks pregnant today and we are feeling just about ready to meet this darling boy!”

    Nakabase na si Andi at kanyang pamilya sa Siargao Island, ang hometown ni Philmar, na isang surfing champion. Ngunit sa Metro Manila siya nanganak, tulad nang isilang niya si Ellie at si Lilo sa pamamagitan ng Cesarean section.



    August 2020 nang inanunsiyo ni Andi na buntis siya sa ikatlong pagkakataon. Sinabi niya iyon sa vlog nilang mag-anak na “Happy Islanders” bilang bahagi ng birthday tribute para kay Philmar. (Basahin dito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkaraan ng apat na buwan, ibinahagi nilang mag-anak sa pamamagitan ng isang gender reveal vlog post na magkakaroon sila ng baby boy. 

    Nag-post din si Andi sa Instagram at sinabing magiging “wonderful big sisters” sina Ellie at Lilo sa kanilang baby brother. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles