embed embed2
  • Sabi Ni Andi Eigenmann 'I Haven’t Been Myself Lately' Sa Kanyang Postpartum Period

    “Unmotivated” daw siya sa kasalukuyan bumalik sa good habits.
    by Jocelyn Valle .
  • January 17, 2021 nang manganak si Andi Eigenmann sa kanyang third child na si Koa, ang baby brother ng kanyang older girls na sina Ellie at Lilo.

    Pero wala raw nagbago sa kanyang katawan mula noon, pagkalipas ng dalawang linggo, at hanggang ngayon na isang buwan ang nakakalipas.

    Iyan ang kuwento ni Andi nang ibahagi niya sa Instagram ang litrato na nagpapakita ng kanyang postpartum body. Kinunan daw ang litrato dalawang linggo pagkatapos niyang isilang ang ikalawang anak nila ng fiance na si Philmar Alipayo.

    Aniya sa caption ng nag-iisa niyang latest solo picture, “As I’ve mentioned in every other pic I’ve posted of the kids, I’ve been enjoying every moment of my time with them. Because it recently sunk in to me how fast our children grow.”

    Bukod sa enjoyment, inamin ni Andi na ginagamit din niya ang mga oras na kapiling ang mga anak para maiwasan ang isang bagay. Ito ang “fact that I haven’t been myself lately.”

    Hindi raw niya ramdam ang dating siya. Masyado siyang “unmotivated” para bumalik na kanyang nakagawiang good habits.

    Pinangunahan ni Andi ang puwedeng isipin ng kanyang Instagram followers na dahilan: kakulangan ng panahon para sa kanyang sarili. Diin niya na kahit tatlo na ang kanyang mga anak, alam niyang may oras siya.

    Paliwanag niya, “Because we’re allowed to take some time to focus on ourselves, too. So as a result, in some way, I also know how it could (or does) affect my kids.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binigyan linaw ni Andi na ang pakay ng kanyang post ay hindi para ihayag ang kanyang hangad o hangarin na bumalik o ibalik ang kanyang pre-pregnancy figure. Pero wala naman daw masama kung ganoon ang layunin ng ibang mommy. Katawan naman daw nila iyon at malaya silang gawin ano man ang makakapagbigay saya sa kanila.

    Gusto lang ibahagi ni Andi ang kanyang naramdaman dati nang ipanganak niya si Ellie, 9, at si Lilo, 1, tungkol sa kanyang postpartum body. Ngayon daw kasi, sa kanyang opinyon, nakahanap siya ng “great way” para maging isang magulang. 

    Lahad niya, “To strive to become a version of yourself that you love and makes you happy, so that you can be a great example to your children, too.”

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles