embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
93 seats remaining Join Now
  • Proud Mama Moment Ni Andi Eigenmann! 'I Honestly Have Never Heard Her Play Until Today'

    Nagkaroon ng piano recital ni Ellie Eigenmann.
    by Jocelyn Valle .
  • Proud mama si Andi Eigenmann nang ibahagi niya kamakailan sa Instagram ang panibagong milestone sa buhay ng panganay na anak, si Ellie Eigenmann, 8.

    “So proud of this girl for nailing her first piano recital!” lahad ni Andi sa kanyang IG post na nagbibigay pugay kay Ellie. “I honestly have never heard her play until this day and I was so impressed.”

    Dagdag pa ng aktres na noong una siyang sinabihan ng kanyang anak na gusto nitong matutong tumugtog ng piano ay nag-dalawang isip siya. Ito raw ay dahil mababawasan ng isang araw ang panahon na magkasama silang mag-ina. Ngunit sadya daw nawiwili si Ellie na ganyang extra-curricular activity, at gusto rin naman niyang matuklasan ng bata ang iba pa nitong talento na hindi na saklaw ng kanyang sariling kakayahan.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ani Andi, “I want her to explore and learn more about who she is and the things she may be interested in, and not limit it to only the things I am able to introduce to her or teach her to do.”

    Nagbiro pa siya na halatang hindi siya musically inclined at saka nagtapos sa isang pagbati ng “Bravo, Ellie!”

    Marahil ay namana ni Ellie ang musical inclination sa kanyang great-grandfather na si Eddie Mesa. Noong kapanahunan ng ngayong retired singer-actor, na ang tunay na apelyido ay Eigenmann, tinagurian siyang Elvis Presley of the Philippines dahil sa galing sa pagkanta katulad ng American rock and roll icon. Maging ang mga anak ni Eddie, kabilang ang ama ni Andi at lolo naman ni Ellie na si Mark Gil, ay kumakanta rin. Yumao si Mark noong September 2014.

    What other parents are reading

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod kay Andi, na dumalo sa piano recital kasama ang kanyang bunsong anak na si Lilo, naroon din ang ama ni Ellie na si Jake Ejercito. Batay sa Instagram fan page ni Ellie ay nagpakuha silang apat ng litrato habang ipinapakita ni Jake sa camera ang certificate of participation ng batang recitalist. 

    Sa isa pang Instagram post ni Andi ay sinabi naman niyang fulfilling makita si Ellie na lumalaki bilang isang “beautiful young woman,” bagamat may pasubali siya. “I just can’t with her personal style, too!”

    Kapag pinagmamasdan daw niya ang kanyang panganay ay masaya siya na nitong nakaraang mga taon ay pinili niyang magkaroon ng mas simpleng pamumuhay. Si Ellie daw ang magandang resulta nito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles