embed embed2
  • 'Kaya Pala Lasang Blade': Andi Eigenmann Welcomes Toddler Stage With Barya In Her Kape

    Ikinwento rin niya kung bakit capsule wardrobe ang gamit niya sa mga anak niya.
    by Ana Gonzales .
  • Noon pa man ay simpleng pamumuhay na ang ipinakilala ng celebrity mom na si Andi Eigenmann sa kanyang mga anak.

    Kaya naman hindi kataka-takang kahit sa pananamit, pampalipas oras, at laruan nina Ellie, Lilo, at Koa a simple din ang mga choices ni Andi.

    Maaalalang mas pinili niya pang mag-DIY na kitchen play set para kay Lilo, kaysa bumili ng mga gawa nang versions nito.

    Ngayong nakabalik na ang Happy Islanders sa Siargao, abala na si Andi sa pag-aasikaso sa kanilang tahanan. Kamakailan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories ang pag-aayos niya ng mga damit ni Lilo.

    Kwento niya, mayroon silang color palette. Balak niya raw sanang ayusin ang mga damit ni Lilo ayon sa kulay at lambot ngunit busy pa siya sa breastfeeding.

    PHOTO BY Instagram Stories/Andi Eigenmann

    Ibinahagi rin niya kung bakit capsule collection ang mayroon silang mag-iina. Ang capsule collection o capsule wardrobe ay pagkakaroon ng koleksyon ng mga damit na binubuo ng mga essential items lamang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Why a capsule collection for my kids as well?" sabi ni Andi sa kanyang stories. "[Because] quality over quantity."

    Karamihan ng mga damit ng anak niya ay mula sa mga brands na gumagamit ng mga sustainable materials at environment-friendly na paraan ng paggawa.

    Bukod sa mga international brands, tinatangkilik din ni Andi para sa kanilang mga damit ang mga local brands. "Buying locally is definitely a sustainable way to show as well," sabi pa niya.

    Partikular din daw si Andi sa style ngunit mas mahalaga sa kanya na maging paraktikal. "[Lilo] only needs clothes that are for our climate and are comfy enough to play in," paliwanag ni Andi.

    "She has one sweater, one jacket, and one special dress from my mom," dagdag pa niya. "Kids grow fast."

    Sabi pa ni Andi, gusto niyang bumili ng mga kalidad na damit kaya hindi siya makakabili ng marami. "But since good quality, they all really last and can be worn over and over until the money spent becomes worth it."

    PHOTO BY Instagram Stories/Andi Eigenmann
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa pagpili ng mga damit na gawa sa sustainable materials, pinipili rin ni Andi ang pasok sa isang color palette para madaling mag-pares. "Pretty much everything goes together. All can be mixed and matched," sabi niya.

    Mabilis nga naman ang panahon at hindi maikakailang mabilis talagang lumaki ang mga bata. Sa katunayan, sinalubong na nga ni Andi ang toddler stage nito lang.

    Ipinost niya sa kanyang Instagram stories ang larawan ng kanyang kape na nang maubos na ay nakita niyang may mga barya pala. "Toddler years, here we go," ang sabi na lang niya. "Kaya pala lasang blade."

    PHOTO BY Instagram Stories/ Andi Eigenmann

    Sana ay mainit pa ang kape mo nang ma-enjoy mo ito—kahit pa may barya. LOL!

    Pwede ninyong panoorin dito ang pinakahuling vlog ng Happy Islanders.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles