embed embed2
  • Natutunan Ni Bitoy Sa Pagpapalaki Ng Girls: 'Taasan Mo Ang Standard Mo As A Guy In Their Life'

    by Ana Gonzales .
  • Sa pinakahuling vlog ng celebrity mommy na si Bianca Gonzalez, nakakulitan niya tungkol sa pagiging magulang ang komedyante at content creator na si Michael V. o mas kilala bilang Bitoy.

    Sa halos 13 minutong video, pinag-usapan nila ang values, quality time, at pagiging masinop sa bahay. "I asked the help of three moms to ask their parenting questions," panimula ni Bianca.

    Ang values ba ay itinuturo o nakukuha ng mga bata?

    Paano nga ba natututo ang mga bata ng mabuting asal? Itinuturo ba ito sa kanila? O natututunan nila ito base sa kung ano ang nakikita nila?

    "It's a little of both kasi for me," sabi ni Bitoy. "For example, hindi lahat ng naituro ng daddy ko, na-absorb ko. Some, I had to figure out for myself."

    Ayon pa sa kanya, depende ito sa kung anong parenting style mo. "Minsan nagwo-work for their parenting style, but not for yourself," kwento niya.

    "I think more than my wife, bihira akong magsalita, pero 'pag nagsalita, ang haba. Kulang na lang Powerpoint," biro pa niya. "I have illustrations minsan. When I am trying to tell them something, dino-drawing ko talaga to get the point across more clearly."

    Sabi naman ni Bianca, dahil maliliit pa ang mga anak niya, mas nangingibabaw sa mga ito ang paggaya kaysa pakikinig sa mga itinuturo niyang values.

    "I don't think they're at the age pa na when you sit them down, they really absorb it," sabi niya. "But everything that they see you do, mamaya, sila na 'yung gumagawa."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bakit mahalaga ang quality time with the kids na wala ang isang magulang?

    Kwento ni Bianca, pinagtutuunan daw talaga ng kanyang asawa na may quality time kasama ang kanilang mga anak na hindi kasama si Bianca. "Me as a mom, I would love it," sabi niya. Ito na raw kasi ang itinuturing niyang oras para huminga.

    Ginagawa rin daw ito ni Bitoy—minsan lahat ng apat na anak niya, minsan boy's night, minsan, all girls lang. "Yung with the boys, lagi kaming nasa barbershop dati," sabi niya.

    "Gusto ko 'yung hagod ng barbero. 'Yung old school na kapag shine-shave o minamasahe. Nagustuhan ng mga anak ko 'yung experience na 'yun. Looking forward sila palagi 'dun."

    "'Yung mga girls naman, dinner din. Kagaya ng husband mo. 'Yung reason ko diyan, nakuha ko kay Paolo Contis," pagbabahagi ni Bitoy.

    "Dapat taasan mo 'yung standard mo as a guy in their life. Para kapag lumaki sila at nagkaroon ng sariling mga partners, hahanapin nila 'yung ginagawa mo for them at with them, 'dun sa future partner nila."

    Okay lang bang maging magulang na neat freak?

    Sabi ni Bitoy, dati raw, bago siya nagkaroon ng mga anak ay neat freak siya. Ngunit nang magkaroon na siya ng mga kids, na-realize niya na okay lang namang marumihan paminsan-minsan.

    "It's fun to be messy at time," sagot niya. "Basta you teach them how to clean up, especially if you're doing something [like] mga crafts."

    "Messy talaga 'yun, pero at the same time, tinuturuan mo rin sila na after you make that mess, you clean it up," dagdag pa niya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Marami pang napagkwentuhan sina Bianca at Bitoy. Pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanilang usapan dito:

     

    ***

    Kayo? Anong klaseng tatay sa mga anak ninyo ang partner niyo? Strikto ba sila? Palabiro? Mahigpit? Ikwento niyo sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close