embed embed2
  • Anne Curtis On 1-Year-Old Dahlia Amelie: ‘She Owns Every Bit Of My Heart’

    Nakabalik na silang mag-anak sa Pilipinas higit isang taon mula nang manganak si Anne sa Australia.
    by Jocelyn Valle .
  • One year old na si Dahlia Amelie, ang panganay ni Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff. Ito ang masayang inanunsiyo ng celebrity parents sa pamamagitan ng social media sa mismong kaarawan ng baby girl nitong March 2, 2021. 

    Nag-post si Anne sa kanyang Instagram account ng ilang litrato na tila kuha sa birthday celebration ng kanyang anak. May birthday portrait ni Baby Dahlia, detail shot ng birthday cake, candid snap ng mag-ina na kumakain ng cake, at close-up ng batang nababahiran ng icing ang mukha.

    Sabi ni Anne sa caption, “She owns every little bit of my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Amelie. I love her to the moon and back infinity times.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ibinahagi rin ng actress-TV host ang ilang linya mula sa, aniya, isa sa kanyang paboritong libro: Love You Forever. Mula iyan sa panulat ng American-born Canadian author na si Robert Munsch.

    Kuwento pa ng first-time mom na gustong-gusto niyang binabasa ang libro sa kanyang anak “with so much feelings" na may ganitong mga linya: "I'll love you forever, I'll like you for always. As long as I'm living, my baby you'll be mine."

    Pahabol pa ni Anne, ibibili na niya ng hair clip si Baby Dahlia. Mahaba na kasi ang bangs ng bata. Pero hindi pa raw siya handa para pagupitan ng buhok ang kanyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Instagram account ni Erwan, nag-post ang food vlogger at entrepreneur ng halos parehong mga litrato ng birthday girl. Mas candid lang ang napili niyang cover photo, kung saan parang sumisigaw sa saya si Baby Dahlia.

    Saad ng first-time dad sa caption, “Here is to a year when absolutely nothing went according to plan, except for this little bright light. When days crawled and months raced by. When I became a student again and she, my teacher. Happy 1st birthday.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, pinaghandaan ni Anne ang birthday ni Baby Dahlia sa pamamagitan ng pag-set up ng “meaningful fundraiser.” Layunin nito na matulungan ang UNICEF na mabigyan ang “vulnerable babies and disadvantaged children the childhood they deserve.” Si Anne ay isang UNICEF Celebrity Advocate for Children. 

    Habang sinusulat ang artikulong ito, nakalikom na ang fundraising campaign ni Anne para sa 1st birthday ni Baby Dahlia ng Php620,719 donation online at Php38,341 offline.

    Unang taon ni Baby Dahlia sa Australia



    Nabanggit ni Erwan ang nagdaang taon na maraming hindi nasunod sa plano. Isa na rito ang paglipad nilang mag-asawa sa Australia noong December 2019 para doon manganak si Anne.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ni Anne sa vlog interview niya kay G3 San Diego noong September 2020 na “last minute” siyang nagdesisyon na manganak sa kanyang birth country dahil “hindi nila ako mapigilan mag-work.” Dagdag pa rito ang kagustuhan niyang mapalapit sa kanyang Australia-based mother para may tutulong sa kanilang mag-asawa na mag-alaga sa baby.

    Nagkataon naman na nagkaroon ng COVID-19 pandemic ilang araw lang pagkatapos isilang ni Anne si Baby Dahlia noong March 2020. Nagpatupad ng lockdown doon sa Australia at community quarantine naman dito sa Pilipinas. Kaya “na-extend talaga ’yung stay” nilang mag-anak doon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong February 2021, base sa Instagram video ni Erwan, nakalipad silang mag-anak mula sa Australian city na Melbourne pabalik ng Manila. Sinunod nila ang patakaran na 6 days na hotel quarantine at 8 days na home isolation. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles