embed embed2
  • Sabi Ni Anne Curtis Nagbago Daw Ang Kanyang Boses At Tawa Sa Pagbubuntis

    Napansin ito ng actress-TV host sa food vlog ng asawa na si Erwan Heussaff.
    by Jocelyn Valle .
  • Sa unang pagkakataon ay sinamahan ni Anne Curtis ang kanyang mister na si Erwan Heussaff sa kusina para sa food vlog nito sa YouTube. May titulong “The Best Toast Recipes (Anne’s Favorite Avocado Toast)” ang video na in-upload noong February 2, 2020 (mag-scroll pababa para mapanood). Kinunan ito sa Australia, kung saan lumaki ang actress-TV host at kung saan siya naka-maternity leave ngayon.

    Sabi ni Erwan, “So just like any pregnant woman, she’s having cravings, and one of the recurring ones that she’s been having is toast. This is my very first video dedicated to my wife — and our future little child there,” aniya sabay hawak sa tiyan ng kanyang asawa.  

    Halos walang tigil sa kulitan at tawanan ang mag-asawa habang ipinapakita ni Erwan ang paggawa ng paboritong avocado toast ng kanyang misis. Bungad ng food vlogger na may halong pagbibiro, “It’s the first time she’s actually on one of my videos. I’ve asked her a lot of times, and she always said that she’s too busy or she doesn’t support what I do…”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinakyan naman ito ni Anne, at sinabi na nagbago na siya. Pahayag niya, “Pregnancy has changed me.” Dito na sumunod-sunod ang malulutong na tawa ni Anne.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sang-ayon ni Erwan, na isang Filipino-French na bihasa sa English language, pansin din niya na nagbago pati ang pagtawa ni Anne. Responde ni Anne: Isang malakas na tawa ulit!

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkalipas ng ilang minuto sa video, nagkomento si Erwan, “Your laugh is so funny.” Sumagot si Anne na hindi niya alam kung bakit. Dagdag pa ng kanyang mister, “You never used to laugh that way, ever.”

    Noong araw din ng video posting sa YouTube channel ni Erwan ay nag-promote si Anne sa kanyang Instagram account. Sa caption ay binigyan pansin niya ang pagbabago sa kanyang boses. Aniya, “So so weird how my voice and laugh has changed since I got pregnant. Parang ang laki tuloy ng boses ko [laughing emoji].”

    Dugtong niya, “It’s the first time for me to join my husband in one of his actual cooking videos because in this vid he makes one of my constant morning cravings during my pregnancy, TOAST!!! You’ll see how I make him kulit and how I can make him awkward uuuuuuy @erwan [delicious emoji].”

    May pahabol pa siyang komento, “P.S - Hindi ko alam ha, pero iba ang tawa ko talaga pag preggers. Basta iba ung saya and sarap as in sarap ng laughter. I can’t explain. Maybe it’s a preggo thing? Mommies, whatchoothink?? Or maybe it’s also because I’m with the person who can make me THAT happy uyyyy again!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa video, napansin ng mga nanood na walang tigil si Anne sa pangungulit ng asawa. Panukso niya kay Erwan, “Ang galing-galing naman…So this is what you do pala…Ba’t di ka nagta-Tagalog?”

    Sumagot naman si Erwan, “Kasi di ako marunong.” Sundot naman ni Anne, “Try mo lang." Sumunod naman ang food vlogger, “Hindi kami gustong sunog ’yong garlic.” At iniwasto siya ng It’s Showtime host, “Hindi ko gusto masunog ’yong garlic.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagtanong si Erwan kung ano sa Tagalog ang garlic. Unang sagot ni Anne ay garlic din pagkatapos nagsabi ng “sibuyas.” Sigaw ni Erwan, “No!” Tumawa pa lalo nang mas malakas si Anne. Pahayag ni Erwan, “Oh, my God! She’s going crazy. Have we not noticed?...Bawang!”

    Depensa naman ni Anne sa sarili, “Oh, my gosh! Alam ko ’yon! Hello! Exempted ako kasi pregnancy brain.”

    Hindi kumbinsido si Erwan, “But we have on tape you saying, ‘Yeah, it’s garlic.’ So now the whole Philippines knows why I don’t speak Tagalog because she’s my teacher.”

    What other parents are reading

    Maya-maya ay nagtanong siya, “May gagawin ba ’ko?” Nang sumagot si Erwan ng wala, nagtanong siya ulit kung bakit siya pinagsuot ng apron. Katwiran ng food vlogger, “So that we’re matching.”

    Bago subukang kainin ang avocado toast ay nagbigay ng suggestion si Anne sa pagkain nito. Aniya, “Another option is you can put tomato or put chili flakes. Basta you can add anything on top of it.” Natuwa naman si Erwan, at nagwika, “Oh, you’re contributing. I love it.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pabiro namang nagbabala ang showbiz star, “Yeah, so watch out when I have my own blog.” Ginaya pa ni Anne kung paano mag-host si Erwan, na mag-isa nang nagluto ng mga sumunod na toast recipes.

    Sa comments ng kanilang YouTube video, maraming mga fans ang kilig na kilig sa dalawa. Halatang ang saya daw ni Anne sa piling ng asawa. Si Erwan naman ay...ninerbiyos? Sa isang punto, inamin ni Erwan na nanginginig siya at nagtatatka siya bakit dahil “I do this every day.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapansin din ang pag-aalala ni Erwan kay Anne. Sa markang 0:55, napansin ni Erwan na hindi komportable si Anne. Napatanong si Erwan, “ Babe, you okay? You are not in labor?”

    Due na manganak si Anne sa March 2020.

    Panoorin ang buong video dito. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles