;
embed embed2
  • Anthony Taberna Recalls His Daughter Blaming Herself For Being Sick With Leukemia

    The girl asked if "mayroon ba siyang ginawang kasalanan."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
Anthony Taberna Recalls His Daughter Blaming Herself For Being Sick With Leukemia
PHOTO BY Facebook/Anthony Taberna
  • A sentimental message was shared by broadcaster Anthony Taberna on his Facebook account this Thursday, December 2.

    Tungkol ito sa pagkakadiskubreng mayroong leukemia ng anak na si Zoey Taberna may dalawang taon na ang nakararaan.

    Si Zoey ay panganay na anak ni Anthony at ng kanyang asawang si Rossel Taberna.

    Sa mensahe ni Anthony, sinabi niyang talagang may Diyos na kumalinga sa anak na may sakit at sa kanilang pamilya.

    Pahayag ng DZRH anchor, “Ang Panginoong Diyos ay pinakamabuti. Siya ang pinakadakila. Siya ang pinakamaunawain at walang kapantay ang Kaniyang pag-ibig.

    “Kung kailan tayo pinakalugmok, doon lalo Niyang pinatutunayan na Siya ay maaasahan.

    “At sa gitna ng pinakamabigat na pagsubok, lalo Siyang nagiging malapit sa Kaniyang hinirang.

    “Eksaktong dalawang taon na ngayon ... akala ko ay simpleng karamdaman lamang ang taglay ng aming panganay na si Zoey nang bandang alas Dos ng madaling araw ay ginising niya ako na umiiyak at idinadaing ang hindi niya matiis na kirot sa hita at binti.

    “Inakala namin na karaniwang karamdaman lamang subalit wari'y gumuho ang aking mundo nang mabatid na siya ay may Leukemia. [crying emoji]”

    Dagdag pa niya, “Bilang magulang, matinding kaba at takot ang naramdamdaman naming mag-asawa ngunit pinipilit ikubli ang damdaming iyon kay Zoey upang huwag siyang panghinaan ng loob.

    “Pero habang nakikita namin siyang nahihirapan, may hapdi at kirot na nararamdaman at unti unti ay bumabagsak ang kaniyang katawan, hindi mapigilang mag-alala noon na mawala sa amin si Zoey—ang panganay na biyaya ng Ama sa aming pagsasama bilang mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang totoo, ang lalong nagpapahapdi sa aming damdamin ay ang tanong ni Zoey sa musmos niyang isipan—bakit siya nagkasakit?

    “Mayroon ba siyang ginawang kasalanan? [crying emoji] Kung puwede nga lamang, mailipat na sa akin ang sakit.

    “Hindi naman ako ang may katawan, hindi naman ako ang maysakit kaya madali para sa akin na sabihing "pagsubok lamang ito, Anak... wag kang mawawalan ng loob."

    “Pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Zoey habang pinahihirapan ng cancer ang kaniyang murang katawan. [thre cyring emojis]"

    “Siya ang pinakadakilang manggagamot”

    Nagpasamalat naman si Anthony sa kanyang kinasasapiang Iglesia Ni Cristo (INC).

    Hindi raw nagkulang ang mga kapatid nila sa INC ng dasal para sa kanila, lalo na kay Zoey.

    Saad niya, “Salamat na lamang at walang pagod ang Namamahala sa Iglesia - Ang Ka Eduardo Manalo sa pagpapayo sa atin—magpanata sa Ama dahil hindi Niya tayo pababayaan.

    “Kaya sa Panginoong Diyos namin isinandal ang aming tiwala. Iniluhod naming mag-asawa sa tribuna, tumangis sa Ama at ipinagmakaawa na pagalingin si Zoey—madali lang 'yun sa Kaniya dahil Siya ang pinakadakilang Manggagamot at Makapangyarihan sa lahat. [praying hands emojis]”

    Kahit na patuloy pa rin ang chemotherapy ni Zoey, inaangkin na raw nilang magaling na ang anak.

    Saad ng Dos Por Dos host, “Kung ito'y pagsubok, gawin kaming matatag at kung ito'y dahil sa aking mga kasalanan at pagkukulang, ako'y patawarin Niya.

    “Sa pagkasangkapan sa mga kaibigan, doktor, gamot at pagpapahid ng langis, batid namin na ang Panginoong Diyos ay nakinig sa aming panalangin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Si Zoey na halos ay humuhulagpos na mula sa aming pagkahawak at pagkayakap, kasama namin ngayon—ibinalik ng Ama ang kaniyang dating lakas.

    “Oo at nagpapatuloy pa ang chemo treatment subalit sumasampalataya kami na magaling na si Zoey dahil ang Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus ay tumugon sa aming paninikluhod at pagdaing.”

    Naniwala rin daw silang lahat ng ito ay pagsubok lamang para subukan ang kanilang pananampalataya.

    Aniya, “Maliwanag sa isip at puso namin sa pamilya, lalo na kay Zoey—ang buhay na taglay ay ang Diyos ang may bigay at magkakaroon lamang ito ng kabuluhan kung Siya ay patuloy na sinasamba, pinaglilingkuran at binibigyan ng kasiyahan.

    “Trials and tribulations are there for our good.

    “Thank you Father, we have become closer to you. To those who pray for Zoey, thank you very much. And to Zoey, we love you so much Son.

    “Happy '2nd birthday' [heart emojis]”

    The public first became aware of Anthony's son's critical condition on December 2, 2020 due to his passionate post about it on social media.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
//Email SCID Mapping// //Email SCID Mapping//