embed embed2
  • Muntik Nang Mabiktima Ng Scammer Ang Negosyo Ni Ara Mina

    Ara: "Maliit na negosyante lang po kami na nagsusumikap na maghanapbuhay."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
  • Ikinalungkot ng actress-entrepreneur na si Ara Mina ang tangkang panloloko ng isang scammer sa mga tauhan niya sa apat na branches ng kanyang restaurant.

    Sa Instagram ngayong araw, April 6, ibinahagi ni Ara ang screenshots ng mga text messages ng nasabing halang ang kaluluwa sa mga naka-duty niyang staff sa apat na branches ng Hazelberry Cafe.

     

    PHOTO BY Arniel Serato

    Ang apat na branches ng cake at restaurant business ng Ang Probinsyano actress ay matatagpuan sa Quezon City, Pasig, Alabang, at Angeles City.

    Sabi ni Ara, hindi niya lubos maisip kung bakit sa gitna ng COVID-19 pandemic, may mga taong mas piniling manlamang ng kapwa.

    Saad ng 41-year-old acresss, "Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko. 

    "Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ang galing ng mga taong ito!"

    Sana raw ay magtrabaho na lamang ang mga scammer na ito para sabay-sabay tayong makabangon sa kinakaharap na krisis ng mundo.

    Dagdag pa niya, "Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.

    "Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon."

    Mabuti na lamang daw at alisto ang kanyang mga tauhan at natunugan kaagad nila ang balak na panloloko sa kanilang restaurant na pinagtatrabahuan.

    Saad pa niya, "Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.

    "Haaay, I want to end this lightly, pero hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko.

    "Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus. [praying hands, grimacing face emojis]"

    Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara ngayong hapon, ibinahagi niya ang cellphone number na gamit ng manloloko.

    Ito ay upang magsilbing babala raw sa iba para hindi sila mabiktima ng mga modus ng scammer.

    Mag-ingat daw ang lahat na maaring makatanggap ng mensahe mula sa cellphone number na "0975-082-5158."


    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles