embed embed2
  • Aubrey Miles, Troy Montero Ikinwento Ang Planong Pagpapakasal Na Naudlot Dahil Sa Pandemic

    Nang maramdaman nilang panahon na para magpakasal pagkatapos ng 17 years na relasyon, nagkaroon naman ng pandemic.
    by Rachelle Siazon for Pep.ph .
  • Inamin ni Aubrey Miles, 43, na handa na silang magpakasal ng longtime partner na si Troy Montero, 49.

    Taong 2019 nang kaswal daw na mapag-usapan nila ang pag-iisang dibdib.

    Kuwento ni Aubrey, "Easy lang. 'You know what? It's time na,' ako talaga nagsabi. Sabi niya, 'Oo nga, 'no?'

    "Parang casual lang. 'Sige, let's do it in this place na malayo."

    Pinlano na raw nila agad ang wedding venue para sa intimate wedding na nakatakda sanang ganapin sa Batanes noong April 2020.

    Sabi ni Aubrey, "Tapos nagpa-book na kami. 'Yun 'yung hotel na binook namin, parang 13 or 15 rooms lang. Nag-iisa lang siya na hotel...

    "'Tapos ang plano ko talaga nine people, 'tapos April yun.

    "'Tapos March, pandemic na. Sabi namin, 'Baka two months lang yan.'"

    Postponed wedding

    Umasa pa raw sina Aubrey at Troy na matatapos din agad ang pandemya, kaya pina-postpone nila ang kanilang kasal ng tatlong buwan.

    Patuloy ni Aubrey, "'Let's move it ng July.' Actually, lalabas ito sa YouTube namin. Hindi pa namin na-shoot kasi hindi namin alam paano isi-share.

    "'Tapos nag-move kami ng July, 'tapos hindi na natuloy.

    "Na-move nang na-move nang na-move. Kinuha na namin lahat sa airlines, nabayaran na. Ni-refund naman kami pati yung hotel."

    Hindi naman nabanggit ni Aubrey kung sa Batanes pa rin nila gustong maikasal, o nagbago na ang kanilang plano ngayong hindi pa rin tapos ang pandemya.

    Ikinuwento ito ni Aubrey nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, noong May 5.

    How Aubrey and Troy met

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa January 2017 episode ng Magandang Buhay, naikuwento rin nina Aubrey at Troy kung paano nagsimula ang kanilang love story.

    Celebrity guest daw si Troy sa talk show ni Kris na Good Morning, Kris nang mabanggit ni Troy na na interesado siyang makilala si Aubrey.

    Habang commercial break ay tinawagan daw ni Kris si Aubrey para magpaalam kung pwedeng ibigay ang mobile number nito kay Troy. Pumayag naman daw si Aubrey.

    Eksakto namang nasa ABS-CBN compound din si Aubrey noong araw na iyon dahil co-host siya noon sa defunct noontime show na Masayang Tanghali Bayan.

    Pagkatapos ng Good Morning, Kris, dumiskarte na agad si Troy at dumaan sa dressing room ni Aubrey para magpa-picture dito.

    Natatawang kuwento pa ni Aubrey, pinaghintay raw niya si Troy dahil hindi pa raw siya tapos maglagay ng kilay noon.

    Doon na raw nagsimula ang komunikasyon nilang dalawa.

    Nanligaw raw si Troy kay Aubrey ng apat na buwan.

    Ngayon ay may dalawa na silang mga anak—sina Hunter, 12, at Rocket, 2.

    Si Maurice, 20, ay anak ni Aubrey sa dating karelasayon na si JP Obligacion.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles