embed embed2
  • Baby #3 On The Way Para Kay Divine Lee Sa Pamamagitan Ng IVF

    Inasam ni Divine na magkaroon ng twins.
    by Jocelyn Valle .
  •  

    Kita sa home pregnancy result ni Divine na magkakaroon na ng kapatid sila Baz at Blanca.
    PHOTO BY YouTube/Divine Lee Vlogs

     

    Buntis sa ikatlong pagkakataon si Divine Lee sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF). Ito ay inanunsiyo ng 39-year-old public figure nitong Linggo, March 28, 2021 sa kanyang vlog.

    Ibinahagi rin ni Divine ang magandang balita sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato nila ng asawang si Blake Go kasama ang mga anak na sina Baz, 2, at Blanca, 1. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahad ni Divine sa caption, "We're pregnant!" Dagdag pa niya na "a bit more delicate" ang kasalukuyan niyang pagbubuntis kumpara sa dalawang nauna niyang pinagdaanan. Kaya hiling niya ay panalangin.

    Kuwento niya sa kanyang vlog na inasam niyang magkaroon ng kambal na anak at nasa lahi naman daw nila dahil meron siyang mga kapatid na twin boys. Okay daw sana kung manganganak siya sa edad 40 ay mayroon na siyang 4 kids.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero baka hindi talaga siya nakatakda na magkaanak ng kambal dahil maliit daw ang buka ng kanyang pelvic area. Kaya baka hindi niya raw kayanin ang dobleng hirap ng pagbubuntis.

    Nasa plano raw talaga nilang mag-asawa ang spacing ng kanyang pagbubuntis. Sinusunod nila ang recommendation ng World Health Organization (WHO) na one-and-a-half years ang pagitan bawat bata. Medyo na-delay lang ngayon dahil dinapuan sila ng COVID-19 noong 2020.

     

    Mapapanood ang pregnancy announcement ni Divine dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles