embed embed2
  • Ipinakita Na Ni Solenn Heussaff Ang Mukha Ng Baby Nila Ni Nico Bolzico

    Nice to see you, Baby Thylane!
    by Jocelyn Valle .
  • Sinorpresa ni Solenn Heussaff ang kanyang Instagram followers kagabi, April 29, 2020, nang mag-post siya ng litrato kasama ang baby daughter na si Thylane Katana Bolzico. Iyon ang unang pagkakataon na ipakita niya ang mukha ng panganay nila ng mister na si Nico Bolzico simula nang isilang ito nitong January 1. 

    Lahad ni Solenn sa unang bahagi ng caption, “Best days at home getting to know your pure gentle soul.”

    Sa sumunod na linya ay gumamit siya ng mga wikang Spanish at French para sabihin na mahal niya si Thylane nang buong puso. Pahayag ng Filipino-French actress-artist na kasal sa Argentinian businessman, “Te amo Thylane….. de tout mon coeur!”

    Pagkatapos ay humingi siya ng paumanhin sa asawa dahil silang mag-ina muna ang magkasama. Aniya, “Sorry @nicobolzico this is just a girls pica… you can’t hang with us!”

    What other parents are reading

    Bumuhos ng pagbati sa comments section para kay Solenn at Baby Thylane. Kabilang sa mga nagpahatid ng saya ay ang sister-in-law niyang si Anne Curtis. Pahayag ng Filipino-Australian actress-TV host sa kanyang pamangkin, “Thylane!!! I love you!!!” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasalukuyang nasa Australia si Anne kasama ang kanyang mister at kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff, isang entrepreneur at food vlogger. Doon isinilang ni Anne noong March 2 ang panganay nila ni Erwan na pinangalanan nilang Dahlia Amelie

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May mga Instagram followers si Solenn na sumagot sa comment ni Anne at hinimok itong ipakita na din ang mukha ni Baby Dahlia. Nang minsan kasing nag-post si Anne sa kanyang sariling account ng litrato ng baby girl ay naka-side view ito sa una at nakapikit naman sa ikalawa.

    What other parents are reading

    Si Solenn man ay halos apat na buwan bago ipakita ang mukha ni Baby Thylane sa social media. Ipinaliwanag niya sa mga naunang Instagram Stories kung bakit huwag na lang muna. Kasi daw ayaw niyang ma-expose ang bata sa ganoong klase ng make-believe world.

    Kuwento niya na nakakabasa siya ng mga comment tulad ng "Is your baby ugly?’ "Aren’t you proud of her?" "Is she abnormal?" Kaya paalala niya sa lahat na hindi lang sa Instagram nangyayari ang buhay. Bagamat mainam itong paraan para ibahagi ang mga bagay-bagay ay hindi kailangang ibahagi ang lahat-lahat. Kung wala daw sa Instagram ay hindi ibig sabihin na hindi ito nangyari sa totoong buhay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nangako naman si Solenn na ipapakilala si Baby Thylane sa tamang panahon—at nangyari na nga ito ngayon. Bukod sa litrato nilang mag-ina sa kanyang Instagram feed ay mayroon din silang maiksing video sa Instagram Story. Nagbigay nga lang siya ng abiso na minsan lang niya ibabahagi ang tinatawag niyang "little happy pill."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa litrato at video makikita kung tama nga ang naunang pahayag ni Nico na namana daw ng sanggol ang kanyang mga mata. Parang mas sa labi ang pagkakapareho nilang mag-ama. Ano sa tingin niyo?

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles