embed embed2
  • Bago Ikasal, Nag-Propose Muna Si Benj Manalo Sa Anak Ni Lovely Abella

    Naganap ang proposal habang ipinagdiriwang nila ang pagpasok ng taong 2021.
    by Jocelyn Valle .
  • Bago ikasal sina Benj Manalo at Lovely Abella nitong January 23, 2021, nagkaroon muna ng “proposal” sa pagitan ni Benj at anak ni Lovely na si Crisha Kaye.

    Iyon ay para pormal na magsabi si Benj na “anak ko na talaga” ang 13-year-old girl na may nickname na Ikay, at magkakasama na silang tatlo bilang pamilya "forever and ever."

    Naganap ang proposal habang ipinagdiriwang nila ang pagpasok ng taong 2021, ayon sa latest vlog entry nila Benj at Lovely, na parehong dancer bago nakatawid sa pag-arte sa TV at pelikula.

    Ibinalita muna ni Lovely na binigyan siya ng bagong engagement ring ni Benj, at ang singsing mula sa kanilang marriage proposal noong June 11, 2019 ay ibibigay naman kay Ikay. 

    Paliwanag ni Lovely, “Dapat talaga hindi binabale-wala ang anak. Lagi n’yo pong tatandaan. Kunwari, magkaroon kayo ng ibang partner ’tapos may anak na kayo, huwag n’yo babale-walain ang mga bata. 

    “Bakit? Kasi naha-heartbroken sila every time na may kinakasama ang parents nila. Feeling nila, nahahati ang atensyon para sa kanila. Kaya ipakita n’yo pa rin ’yong pagmamahal n’yo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya na ang proposal ni Benj ang paraan nila para maipakita nila kay Ikay "na kasama siya sa lahat ng desisyon namin.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tulad ng ginawa ni Benj nang alukin niya ng kasal si Lovely, lumuhod muna siya sa isang tuhod sa harap ni Ikay habang inaabot ang singsing.

    Aniya, “Magpapakasal na kami ni Mommy. Di ba nagpaalam ako sa ’yo? Gusto kong sabihin sa ’yo...Ibibigay ko sa ’yo ’to. Papayag ka ba na maging forever daughter ko?”

    Umiling-iling at tumawa-tawa lang si Ikay, pero tinanggap din ang singsing bilang pagsasabi niya ng oo. Mahigpit na yakap ang isinukli nila Benj at Lovely.

    Sa nakaraang media interviews ni Benj, ikinuwento niyang magkasama na sila ni Lovely simula January 2015. Pareho raw annulled ang kani-kanilang naunang marriage. Kung may Ikay si Lovely, meron namang Nathan si Benj. Nasa poder ng ex-wife niya ang kanilang 13-year-old son.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay pugay naman si Lovely kay Ikay sa isang Instagram post. Lahad niya sa caption, “Salamat, Anak. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa buhay. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya at lalong sumasaya. Ikaw ang dahilan ng lahat ng kung ano man ang nararating ko ngayon.”

    Nagbalik-tanaw si Lovely sa panahong sumusubok siyang maging dancer sa TV show ni Willie Revillame na Wowowee pa noon. Aminadong hindi siya talaga marunong magsayaw, pero desidido siyang makapasa sa audition.

    Nang sabihan daw siyang gayahin ang sikat na dancer sa TV show na si Luningning, sumayaw naman siya na parang ballerina. Umiikot-ikot siya sa venue hanggang makarating sa exit. 

    Kuwento pa ni Lovely tungkol sa reaksyon ni Willie: “Sineryoso ko ang araw na ’yun, pero tawang-tawa siya kasi mukha daw akong tangang sumayaw. Ang di ko alam, ’yun pala ang gusto niya. Hanggang sa, ‘Sige, humawak ka ng bayong at kumembot ka na lang muna.’”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Do’n nagsimula lahat ng pangarap ko sa ’yo,” pagpapatuloy niya sa post para sa anak. “Hindi ako ando’n para magmagaling o kaya para sumikat. Ando’n ako para mabigay lahat ng pangangailangan mo. Dumating pa sa punto na kailangan kung matutong mag-split. Sayaw nga di ko kaya, split pa kaya.

    “Pero wala akong ibang inisip. Ang naisip ko lang pag nagawa ko ’yun, gaganda ang buhay mo. Makakapag-aral ka sa magandang school, makakakain ng masasarap…’Nak, pag naalala ko lahat ’yun, naiiyak ako.

    "Lahat ng sinakripisyo ko sa buhay, ang ganda ng naidulot. Napakabuti mong bata. Salamat sa ’yo, ‘Nak, dahil lahat ng sayang nasa PUSO ko sa ’yo nagmula. At kahit kelan, ikaw ang regalo ni LORD sa ’kin na pahahalagahan at iiingatan ko. Mahal na mahal kita.”

    “Salamat sa araw na ’yan,” dugtong ni Lovely, patungkol sa araw ng kasal nila ni Benj na saksi si Ikay, “at ikaw ang kasama ko sa mga larawan na ’yan. Nakita ko ang totoong saya at ngiti mo sa mata.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nag-iwan ang Bubble Gang comedienne ng seryosong pangako: “Di man perpekto lahat, Anak, pero palalakihin kita na heto ang buhay. Kahit kelan, di perfect. Pero ang importante, masaya ka sa buhay na meron ka. Ikaw ang forever baby girl ng MOMMY. Love you so much.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles