embed embed2
Kung May Clerical o Typographical Error Sa Birth Certificate, Ito Ang Gawin Para Maitama
PHOTO BY Facebook/Philippine Statistics Authority
  • May clerical o typographical error ba sa iyong birth certificate na nais mong ipakorek?

    Kailangan pa ba itong idaan sa korte? Magkano naman ang aabutin ng gastos?

    Kung clerical o typographical error ang birth certificate correction, hindi na kailangang idaan ito sa korte, ani Attorney Chel Diokno, isang Filipino lawyer at human rights advocate.

    Ito ang laman ng isa niyang “Legal Lifehack” video sa TikTok.

    “Kung may maling letra o petsa sa inyong birth certificate, di na kailangang dumaan sa korte para ipakorek,” aniya.

    Ang pasok sa clerical at typographical error na nakasaad sa Republic Act (RA) 9048 as amended by RA 10172 ay ang mga sumusunod:

    • First name
    • Day or month of birth
    • Sex

    Ani Atty. Diokno, maaaring nangyari ang clerical o typographical error noong nilalagay ang mga detalye sa birth certificate.

    Maaari nang i-file ang petition for correction sa City o Municipal Registrar kung saan ipinanganak o City o Municipal Registrar kung saan kasalukuyang nakatira.

    Ang maaaring mag-file ng petisyon ay ang taong concerned o kaya ay ang kanyang mga magulang, kapatid, asawa, o anak.

    Kung nasa ibang bansa ka naman, maaaring i-file ito sa Philippine consulate.

    Magkano naman ang fee para sa clerical at typographical error?

    Correction of first name = PHP1,000

    Correction of day/month of birth, or sex = PHP3,000

    Hindi pa kasali rito ang gagastusin para sa publication ng petition sa newspaper.

    Paalala ng abogado hindi kasama rito ang correction sa nationality, age, at civil status.

    Ang mga ito ay itinuturing na judicial o essential corrections at kailangang dumaan sa korte.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading


    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close