embed embed2
  • Buntis Pumanaw Dahil Sa COVID-19 Matapos Ang Surprise Baby Shower

    by Jocelyn Valle .
Buntis Pumanaw Dahil Sa COVID-19 Matapos Ang Surprise Baby Shower
PHOTO BY iStock
  • Ang hirap ng panahon ngayon kahit tripleng pag-iingat ang ginagawa mo. Hindi kasi lahat kontrolado mo.

    Pumanaw ang isang teacher na buntis sa Brazil ilang araw pagkatapos niyang mahawaan ng COVID-19 mula sa surprise baby shower para sa kanya na ibinigay ng kanyang mga katrabaho at kaibigan.

    Nasa 32nd week ng gestation o halos walong buwang buntis si Camila Graciano, 31, nang isugod siya sa ospital ng Santa Casa de Misericordia sa bayan ng Anapolis noong August 17, 2020. Ito ay ayon sa salaysay ng ospital na posted sa website ng Brazilian media outlet na Globo.

    Dinala si Camila sa isolation area para sa mga pasyente ng COVID-19 at itinalaga na high risk dahil na rin sa kanyang pre-existing medical condition na hypertension, diabetes, at obesity. Nakaramdam din daw siya ng chest pain at respiratory distress sa loob ng walong araw mula nang kanyang exposure sa nakahahawang sakit. 

    What other parents are reading

    Nang lumala ang kondisyon ni Camila, dagdag pa sa ulat ng media outlet, sumailalim na siya sa induced birth upang isilang ang kanyang baby daughter. Sa kasamaang palad, hindi napagtagumpayan ng ina ang pakikipaglaban sa coronavirus.

    Kinumpirma ng ospital ang kanyang pagpanaw noong August 22, 2020. Ngunit naging mabuti naman daw ang lagay ng kanyang sanggol sa neonatal intensive care unit (NICU).

    Sa hiwalay na ulat, ikinuwento ng kapatid ni Camila na si Daniel Helio Ambrosio ang pinagdaanan ng yumaong bagong ina. Aniya, naging maingat si Camila dahil high risk pregnancy ito at iniwasan ang paglabas ng bahay para hindi malantad sa panganib dulot ng COVID-19. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nabuwag ang ginawang pag-iingat ni Camila nang bigyan siya ng surprise baby shower ng mga katrabaho at kaibigan bandang huling bahagi ng kanyang pagbubuntis. Dala-dala na pala ng isa sa mga bisita  ang coronavirus. Hindi alam ng bisita na meron siya dahil asymptomatic pa siya nang mga panahon na iyon.

    Lahad pa ni Daniel na pagkatapos ng surprise baby shower, lumala ang kondisyon ng bisita at nagbigay ito ng babala sa mga nakasalamuha. Kabilang sa mga iyon si Camila, na nahawa sa hindi inaasahang pangyayari.

    What other parents are reading

    Makalipas ang tatlong araw, kinailangan nang dalhin si Camila sa ospital. Ngunit nahirapan ang kanyang pamilya na humanap ng pagdadalhan dahil okupado na ang mga intensive care unit (ICU) sa lahat ng pagamutan sa kanilang lugar sa Anapolis, na matatagpuan sa central Brazilian state na Goias.

    Inisip ng pamilya na bumiyahe sa Goiana, ang pinakamalaking siyudad sa Goias, at maging sa Brasilia, ang capital city ng Brazil. Mabuti na lang daw at may mga kaibigan sila na tumulong makakuha ng espayo para kay Camila sa Santa Casa de Misericordia de Anapolis.

    Nang manganak si Camila sa pamamagitan ng induced birth, umasa ang kanyang pamilya na gagaling na rin siya sa COVID-19. Sabi pa ni Daniel na nagpakita ang kanyang kapatid ng “major improvement,” at sinabihan pa sila ng mga doktor na magkaroon ng pananampalataya. Bumubuti daw kasi ang lagay ng lungs, heart rate, at blood pressure ng pasyente. 

    Kabaligtaran ang nangyari pagdating ng Friday, August 21, nang lumubha ang kondisyon ni Camila at tuluyang bawian ng buhay kinabukasan. Paliwanag ni Daniel, “The virus had mutated very strongly, and she didn’t stand a chance.”

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang konsolasyon na lang ni Daniel at tulad niyang naulila ni Camila ay ang pagpapakita ng sanggol nito ng mabuting kalagayan. Kaya na daw ng baby girl na huminga mag-isa sa incubator nang hindi nangangailangan ng oxygen.

    Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Brazil ng 3,997,865 confirmed COVID-19 cases at 124,780 sa mga ito ang humantong na sa kamatayan. Nagmula ang datos sa Johns Hopkins University. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close