embed embed2
  • Birthday Gift Ni Vaness Del Moral Ng StarStruck Sa Asawa: Buntis Ako!

    Naglihim ang GMA-7 actress ng ilang linggo para masorpresa ang asawa.
    by Jocelyn Valle .
  • Nasa ika-10 linggo ng pagbubuntis si Vaness del Moral. Binalikan ng GMA-7 actress sa kanyang YouTube channel ang pinagdaanan mula nang makaramdam siya ng mga unang sintomas hanggang ibahagi niya sa asawang si Matt Kier ang magandang balita na magkakaroon na sila ng panganay. Posted ang kanyang latest vlog entry nitong October 21, 2020. 

    BUNTIS KA BA?

    Sa simula ng video, na marahil kinunan bandang September, ikinuwento ni Vaness na ilang araw nang masama ang kanyang pakiramdam. Pagkaraan ng ilang linggo, hawak na niya ang resulta ng home pregnancy test kit at sinabing malakas na talaga ang kutob niyang buntis siya. 

    Aniya sa camera, “’Yong sense of smell ko, na-heighten. Ayoko ng amoy ng laba. Ayoko ng amoy ng pork… Ako pa lang ang may alam, guys!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Balak kasi ni Vaness na sorpresahin ang mister, na tinatawag din niyang Matty. October 19 ang birthday ni Matty, at meron silang selebrasyon na maaga ng dalawang araw. Sana daw hindi siya mabuko o mabuking dahil kailangan niyang maglihim ng 17 pang araw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkalipas ng isang linggo, nagmaneho mag-isa papunta sa ospital ang 32-year-old TV performer, na pumasok sa showbiz bilang kalahok sa reality talent show na StarStruck Season 3. Iyon daw ang kanyang kauna-unahang checkup sa ob-gyn.

    Lahad niya sa kanyang followers, “Hi, guys! I’m back from the doctor. Hindi ako nakapag-video sa hospital dahil sobrang gutom na gutom na ’ko…

    "So we are 8 weeks [pregnant]. Malalaman niya [Matty] this weekend. Today is October 10. So, surprise! Congratulations to us!”

    Nang dumating ang takdang araw, nagulat si Matt pati ang mga kasama nila sa kanyang birthday celebration. Tunay na surprise birthday gift ang natanggap niya sa pagbukas ng envelop na naglalaman ng resulta ng ultrasound scan. Napayakap siya nang bahagya sa misis na kumakain nang mga sandaling iyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag naman ni Vaness sa pamamagitan ng text sa screen: “Walang may alam sa kanila. Surprise for everyone and birthday gift for my husband…

    "Madumi po ang kamay namin. Seafood ang kinain namin. Sobrang busy sa pag-prep niyan, di ako nakapag-ayos.”

    BUNTIS BA AKO?

    Ikinasal sina Vaness at Matt noong February 18, 2018 sa Baguio City, kung saan sila sabay na lumaki. Sa isla naman ng Coron sa Palawan naganap ang kanilang engagement, na itinaon ni Matt sa birthday ni Vaness noong May 23, 2017.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles