Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Nanganak Na Si Cai Cortez Via Scheduled Cesarean Section

    December 19 ang unang estimated date of delivery niya.
    by Jocelyn Valle .
Nanganak Na Si Cai Cortez Via Scheduled Cesarean Section
PHOTO BY courtesy of Cai Cortez
  • Napaaga ang panganganak ni Cai. December 19 ang scheduled niya na araw na CS.
    PHOTO BY courtesy of Cai Cortez
    Nagsilang ng kanyang second child si Cai Cortez kagabi, sa pamamagitan ng Cesarean section. Isa itong healthy baby girl na pinangalanan niyang Carmen. Nasa mabuting lagay ang mag-ina kapiling ang mister ni Cai at daddy ni Baby Carmen na si Wissem Rkhami, isang Tunisian businessman, at ang kanilang panganay na si Bibo.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kinaumagahan ay ibinahagi ng aktres, 31, ang larawan nila ng sanggol sa kanyang Instagram at Facebook accounts. Binati niya ito sa caption ng “Happy birthday Senorita Carmen.”

    Makalipas ang ilang oras ay nagbigay ng maikling pahayag si Cai sa SmartParenting.com.ph sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

    More from Smart Parenting

    Kuwento niya, “Actually, the first time kasi was emergency CS so wala nang time to think about the operation. Ginawa na agad. But this time around, since scheduled C-section siya, I felt really anxious and paranoid.

    “First time kasi, naa-anticipate ko na ’yong needles and cuts. But also now, I have a 3-year-old na, so if anything unfortunate that would happen, mas scary! Haha! Praning lang! Now, I feel so silly for being scared because super galing ng doctors ko that I didn’t feel any pain, and it was so fast.”

    Isinunod ni Cai ang pangalan ni Carmen sa pangalan ng kanyang ina at lola. Kilala din ang kanyang mommy bilang Candy Cortez, habang ang kanyang daddy naman ay ang veteran actor na si Rez Cortez.
    PHOTO BY courtesy of Cai Cortez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinabihan din siya ng kanyang doktor noon na December 19 ang estimated date of delivery niya ngunit napaaga ito ng ilang raw. Sana ay magkakasunod sila ng birthday ng kanyang Daddy Wissem, December 20, at Kuya Bibo, December 21.

    Congratulations, Cai!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles