embed embed2
  • Celebrity Bump Watch: Sino Ang Manganganak Ngayong 2021 (So Far!)

    May humabol pa bago matapos ang 2020!
    by Jocelyn Valle .
Celebrity Bump Watch: Sino Ang Manganganak Ngayong 2021 (So Far!)
PHOTO BY Instagram/phoemelabaranda, andieigengirl
  • Ngayong 2021, tinatayang magkakaroon ng baby boom bunsod ng community quarantine na ipinatupad noong mid-March 2020 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. (Basahin dito kung bakit.)

    May celebrities na nag-anunsiyo na ng pagbubuntis nila o di kaya ng kanilang mga partner. Lampas isang dosena na sila sa listahang ito. 

    Miriam Quimbao

    May pasabog si Miriam Quiambao at kanyang asawang si Ardy Roberto dalawang araw bago salubungin ng paputok ang bagong taon. Ibinalita nila sa kanilang YouTube nitong December 30, 2020 na dinadala ng dating beauty queen ang kanilang second baby, kasunod ang panganay nilang si Elijah.

    Tunay na “pleasant surprise” ang pagbubuntis ni Miriam sa edad 45 na walang tulong ng fertility workup. Nasa 8 weeks at 6 days siya nang gawin nila ang video noong December 26. 

    Andi Eigenmann

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasa 36 weeks ng pagbubuntis si Andi Eigenmann, ayon sa kanyang latest Instagram post. Ibig sabihin, malapit nang isilang ng aktres ang kanyang ikatlong anak. Ate na ulit ang kanyang panganay na si Ellie, 9, at ate sa unang pagkakataon ang second child na si Lilo, 1. Ang parating na sanggol, na ikalawa nila ng fiance na si Philmar Alipayo, ay baby boy. 

    Rachelle Ann Go

    Handang-handa sa si Rachelle Ann Go para sa 2021, lahad ng UK-based singer at theater actress sa pinakabago niyang post. Ngayong taon kasi ang pagdating ng panganay nila ng asawang si Martin Spies. Ibinahagi niya ang magandang balita noong November 20, 2020, pati na ang kanyang takot sa panganganak (basahin ang kuwento dito.)

    Phoemela Baranda

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ginulat ni Phoemela Baranda ang kanyang social media followers nang ianunsiyo niyang buntis siya noong mid-November 2020. Hindi lang dahil napaka-sexy ng napiling niyang litrato, na kuha mula sa photo shoot niya sa Preview.

    Nakaraan na kasi ang 20 years mula nang manganak ang 40-year-old model/TV personality host sa kanyang panganay na si Kim Nichole Baranda (basahin dito). Nakatakdang isilang ni Phoemela ang unang supling nila ng partner na si Jason Choachuy sa March. 

    Isabelle Daza

    Bandang March din inaasahang ipanganak ni Isabelle Daza ang second child nila ng asawang si Adrien Semblat. Sinabi ng actress-entrepreneur na 23 weeks pregnant siya nitong Christmas Eve. Kaya baka abutan pa ang second birthday ng panganay nilang si Baltie, na magtu-2 years old sa March 31.

    Liz Uy

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatakdang manganak sa kanyang second child si Liz Uy sa 2021. Kuwento ng fashion stylist sa artikulong sinulat niya para sa Philippine Star noong December 20, 2020 na July nang malaman niya na masusundan na si Xavi, ang 3-year-old son nila ng asawa na si Raymond Racaza.

    Carol Banawa

    Sa April naman ang nakatakdang pagdating ng third child ni Carol Banawa at kanyang asawang si Ryan Crisostomo. Pahayag ng US-based registered nurse at dating ABS-CBN singer-actress sa Instagram, “We can’t wait to meet you.”

    Kasama nila sa pananabik sa parating na baby girl ang kanilang older kids na sina Chelsea at River.

    Iwa Moto

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magkakaroon na ng baby boy ang StarStruck Season 3 runner-up na si Iwa Moto at kanyang partner na si Pampi Lacson ngayong taon. Kaya magiging ate na ang panganay nilang si Hiromi Aiko Eve, 7 years old. Samantala, magiging kuya muli ang 14-year-old son ni Pampi sa ex-wife niyang si Jodi Sta. Maria

    Vaness del Moral

    Buntis din ang StarStruck finalist na si Vaness del Moral sa panganay nila ng asawang si Matt Kier. Ikinasal sila noong February 2018, at nitong October 2020, ibinahagi ni Vaness ang magandang balita sa kanyang vlog.  

    Kristine Hermosa

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madadagdagan muli ang pamilya ni Kristine Hermosa at kanyang mister na si Oyo Sotto sa napipintong pagdating ng kanilang baby number 5. Pahayag ng aktres sa pregnancy announcement, “best Christmas and Anniversary gift from above” ang kasunod ng mga anak nilang sina Kiel, Ondrea, Kaleb, and Vin.

    Baby girl ang hiling ni Kristine at kasalukuyang only daughter na si Ondrea.

    Barbara Ruaro

    Sa February nakatakdang ipanganak ng writer-filmmaker na si Barbara Ruaro ang panganay nila ng partner at actor na si Romnick Sarmenta. “Hope, faith, and love” ang dasal ni Romnick para sa parating na sanggol (basahin dito). Ikaanim na niya iyon dahil may limang anak na sila ng ex-wife at actress-film producer na si Harlene Bautista.

    Maia Leviste Azores 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang fiancee ni Jhong Hilario na si Maia Leviste Azores ay magsisilang sa kanilang panganay sa March. Anila sa kani-kanilang Instagram account, magkakaroon na sila ng #SamplePrincess o di kaya #SamplePrince. Kilala kasi si Jhong, ang dancer-turned-actor na co-host sa It’s Showtime, sa pagbibigay ng sample sa pagsasayaw sa noontime TV show. 

    Nicole Donesa

    Ngayong buwan ng January ang pinahihintay ni Mark Herras na maging daddy dahil manganganak na ang fiancee niyang si Nicole Donesa. Inaasahang baby boy ang kanilang panganay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles