embed embed2
  • Mom Of Three Na Sila! Mga Celebrities Na Nanganak Muli Nitong 2020

    Humarap sila sa kakaibang hamon ng COVID-19
    by Jocelyn Valle .
Mom Of Three Na Sila! Mga Celebrities Na Nanganak Muli Nitong 2020
PHOTO BY Instagram/iyavillania, isabeloliprats
  • Maraming celebrities ang nanganak ngayong 2020 at ang ilan ay pangatlo na nila! Pero humarap sila sa kakaibang hamon bunsod ng COVID-19 pandemic at iba pang kumplikasyon.

    Kaya parang nanganak na rin daw sila sa unang pagkakataon, lalo na't hindi nila kapiling ang kanilang mga asawa o partner sa delivery room. Ipinagbawal na kasi ang companion bilang safety protocol.

    Mom of three na sila!

    Gayonpaman, naging ligtas ang kanilang panganganak at napawi ang lahat ng kanilang paghihirap pagkakita sa kanilang mga sanggol.

    Regine Tolentino

    Nanganak si Regine Tolentino noong March 17, o isang araw pagkatapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

    Si Baby Rosie, anak ni Regine sa kanyang partner na si Dondi Narciso, ang kumumpleto sa Tres Marias sa pamilya na kinabibilangan din nila Reigne, 21, at Reigen, 19, na mga anak ng TV host-entrepreneur sa kanyang ex-husband.  

    Ikinuwento ni Regine sa isang virtual presser na sumailalim siya sa emergency CS para ligtas na mailuwal si Baby Rosie. Nagkaroon ng pneumonia ang newborn, kaya na-confine sa ospital ng 10 days. Napaaga raw ang kanyang postpartum depression (basahin ang kuwento dito) dahil sa hirap ng pinagdaanan nilang mag-ina. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isabel Oli

    Naging maselan ang pagbubuntis ni Isabel Olikaya kinailangan niyang sumailalim sa ilang procedures (basahin dito) at mag-bed rest. Sa pagtungtong naman niya sa 36 weeks, nagkaroon siya ng ubo at kumuha ng swab test na apat na beses para masiguro na wala siyang dala-dalang coronavirus.

    Nakahinga lang nang maluwag si Isabel nang ligtas siyang manganak noong July 17 sa pamamagitan ng vaginal delivery at hindi sa pinangangambahan niyang C-section.

    Pinangalanan niya at asawa niyang si John Prats ang baby girl nilang si Lilla Forest.  Ate na ngayon ang panganay nilang si Lily Feather, 4, at kuya naman ang middle child na si Freedom, 3.

    Iya Villania

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa ikatlong pagbubuntis ni Iya Villania, baby girl na ang nabuo nila ng asawang si Drew Arellano at ipinanganak niya ito noong July 18. Binigyan nila ng pangalang Alana Lauren ang sumunod sa two boys nilang sina Antonio Primo, 4, at Alonzo Leon, 2.  

    Nakasuot si Iya ng face mask at face shield nang gawin niya ang Instagram stories ilang saglit bago siya manganak. Bahagi iyon ng pagsunod sa health protocols na mahigpit na ipinapatulad lalo na sa mga ospital.

    Diana Zubiri

    Bandang October, ginulat ni Diana Zubiri ang kanyang Instagram followers nang inanunsiyo niyang nabuntis at nanganak na siya. Ikinuwento niya sa kanyang vlog ang kanyang pregnancy at childbirth journey. 

    Mula sa ospital, kung saan isinilang ni Diana noong September 14 ang baby girl na pinangalanan nila ng asawang si Andy Smith na Amira Jade, nag-self-quarantine silang mag-ina.

    Sa hiwalay na kuwarto namalagi sina Diana at Baby Amira nang 14 days para masigurong ligtas sila sa coronavirus. Ginawa nila iyon bilang proteksyon na rin sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Kabilang dito ang older son ni Diana na si King, 11, at ang panganay nila ni Andy na si Aliyah, 4.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lara Quigaman

    Naka-three boys na si Lara Quigaman at kanyang mister na si Marco Alcaraz nang manganak siya noong September 17 sa pamamagitan ng elective C-section delivery. Si Moses Marc ang baby brother nila Noah Lamar, 7, at Tobias Nolan, 2.

    Ikinuwento ng celebrity couple sa kanilang vlog ang mga paghahanda nila sa panganganak ng aktres, kabilang ang pagkuha ng swab test.

    Sinabi naman ni Lara sa Instagram ang challenges niya bilang new mom na nag-aasikaso rin sa homeschooling ni Noah at pagiging toddler ni Tobias.

    Chariz Solomon

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakasuot ng maternity diaper si Chariz Solomon sa litratong ibinahagi niya sa Instagram bilang pag-anunsiyo ng kanyang panganganak noong September 30.

    Panganay nila ng partner na si Vince Tenorio ang baby boy na pinangalanan nilang Andreas Manolo. Ikatlo naman niya iyon, kasunod ng mga anak niya sa ex-husband na sila Apollo James, 7, at Ali Joakim, 5.

    Hindi nga naman biro ang pag-aasikaso nang personal sa kanyang mga anak, kaya ngayong Kapaskuhan daw, ang nais ni Chariz ay unlimited delivery privileges. Aniya nang tanungin ng SmartParenting.com.ph, “Because I deserve it and I need energy. I take care of everyone, and food takes care of me.”

    Maya Flores

    Halloween, October 31, nang manganak si Maya Flores sa baby girl nila ng fiance na si Geoff Eigenmann na pinangalanan nilang Penelope Rose at may nickname na Pepper.

    Ikatlong C-section delivery na iyon ni Maya, pagkatapos nila Beanie, 3, at Angus, 1. Kaya nagpasya silang hindi na muling magka-anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinunod nila Maya at Geoff ang payo ng kanilang doktor na sumailalim si Maya sa tubal ligation. Gusto pa sana ni Geoff ng twins, sabi ng aktor sa isang presscon, pero mas inisip niya ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang longtime partner. 

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles