embed embed2
  • Coronavirus Code Red Ng DOH: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

    Sampu na ang kabuuang bilang ng may coronavirus sa bansa
    by Lei Dimarucut-Sison .
Coronavirus Code Red Ng DOH: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?
PHOTO BY @DragonImages/iStock
  • Nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng "Code Red" noong Sabado, Marso 7, 2020, dahil sa banta ng coronavirus, o COVID-19, sa kalusugan. Sa isang press conference, inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagkakaroon ng ika-apat at ika-limang kaso sa Pilipinas.

    Ang isa ay 48-taong gulang at bumiyahe kamakailan sa Tokyo, Japan.

    Ang ikalawa naman ay isang 62-taong gulang na walang history ng pagbiyahe kamakailan sa ibang bansa. Ang hinala ay nakuha ng nasabing senior citizen ang virus sa isang mosque sa San Juan kung saan siya madalas sumasamba. Kalaunan ay nabalitang nahawahan din niya ang kanyang asawa, na siyang pang-anim na kaso sa bansa.

    Nitong araw ng Linggo, Marso 8, mayroon pang apat na ibinalitang bagong kaso ng coronavirus. Sa kabuuan, sampu na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa simula noong mabalita ang una noong Enero 30, 2020. Isa sa mga ito ang binawian ng buhay.

    More from Smart Parenting

    Pero kung noong Enero pa mayroong kaso ng coronavirus sa bansa, bakit ngayon lamang nagdeklara ng code red?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa DOH, ang code red, sublevel 1 ay idinedeklara kapag may isa o higit pang kaso ng local transmission.

    Local transmission o community transmission ang tawag kapag ang mga tao na walang history ng pagbiyahe sa mga lugar na mayroong virus ay nakumpirmang nahawahan ng sakit, o kapag wala itong naging direktang contact sa isang taong kumpirmadong may sakit.   

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samakatuwid, dahil ang naunang tatlong kaso ng coronavirus sa PIlipinas ay naggaling sa labas ng bansa, wala sa mga ito ang locally transmitted.

    More from Smart Parenting

    Ano ang dapat gawin kapag may Code Red?

    Ayon sa DOH, ito ang mga dapat gawin sa panahon ng code red:

    - Maging mahinahon at mapagmatyag 

    Huwag mag-panic! Alamin ang mga sintomas at bantayan ang kalusugan ng pamilya. Alam niyo ba na bagamat nasa 110,000 na ang nagkakasakit dahil sa coronavirus sa buong mundo, nasa 62,000, o higit sa kalahati ng mga ito ay gumaling na?

    - Makipag-ugnayan sa gobyerno para sa contact tracing 

    Kung sa palagay mo ay isa ka sa mga nakasalamuha ng isang taong nakumpirmang may coronavirus, ipagbigay-alam agad para malunasan at hindi na kumalat pa ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    - Para sa may mga sintomas na may kasaysayan ng paglalakbay o exposure, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health facility  para sa pagsusuring medikal.

    - Sumunod nang mabuti sa home quarantine procedures

    Kung ikaw ay galing sa biyahe sa labas ng bansa, mag-self-quarantine sa bahay sa loob ng 14 na araw kahit pa walang sintomas.

    - Isagawa ang preventive measures gaya ng paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, atbp.

    Alamin ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at gumamit ng alcohol para mag-disinfect. Iwasan din ang paghawak sa iyong mukha, ilong, bibig, at mata, at umiwas sa mataong lugar hangga't maari.

    - Suportahan ang ating gobyerno sa layunin nitong pigilan ang community transmission: makinig at sumunod sa mga abiso ng DOH. 

    Maging up-to-date sa mga kaganapan at siguraduhing mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng inyong balita, gaya ng Department of Health website o DOH Facebook page.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles