embed embed2
Covid Alert! High Travel Risk, Patuloy Na Vaccine Drive Para Sa Mga Bata
PHOTO BY Shutterstock
  • Nasa Level 3 ang Pilipinas sa talaan ng United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC) base sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 ng August 2022.

    Ito ang high level, kung saan may higit sa 100 kaso kada 100,000 residente sa nagdaang 29 araw.

    Kaya nirerekomenda ng US CDC sa kanilang mga mamamayan na umiwas munang bumiyahe sa Pilipinas kung hindi pa kumpleto sa bakuna laban sa coronavirus na sanhi ng COVID-19.

    Nagbigay naman ng pahayag ang Department of Health (DOH) habang nasa press briefing si DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire. Aniya, magkaiba ang ginagamit ng Pilipinas at U.S. na pamamaraan ng pagsasabi na "high risk" ang isang bansa.

    Paliwanag ni Vergeire, “Sa CDC ang ginagamit nila ay 'yung incidence rate triangulated with the testing data. Dito po sa ating bansa, ito pong number of cases ay hindi na po natin binibigyan ng equal weight with our healthcare utilization."

    Dagdag niya, “Ang atin pong severe and critical infection remains to be at that low number less than 1,000. And atin pong mga naad-admit ay manageable at nape-preserve pa rin natin ang ating healthcare system capacity."

    Nitong August 3 hanggang 9, sabi pa ng DOH, nagtala ng daily average na 3,993 kaso. Mas mataas ang bilang na ito ng 12% kumpara sa nakaraang linggo. Pero nananatili raw low risk ang bansa para sa COVID-19 kung susumahin ang two-week growth rate, average daily attack rate, at hospital utilization rate.

    COVID-19 vaccine para sa mga bata

    Samantala, pinapaigting ng DOH ang kampanya ng pagpapabakuna para sa mga kabataan. Magbubukas na kasing muli ang face-to-face classes simula sa August 22.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari nang makakuha ng first booster ang mga may edad 12 hanggang 17 na kumpleto na ang kanilang primary series, o iyong unang dalawang turok.

    Maaari pa ring mabigyan ng primary series ang mga may edad 5 hanggang 11. Bukas pa rin ang primary series sa mga mas matatandang hindi pa nakakakumpleto nito.

    Narito ang ilang paalala mula sa DOH para sa mga magulang o tagapangalaga:

    1. Kung may iniindang sakit ang anak, makipag-ugnayan sa city health office (CHO) o di kaya rural health unit (RHU) ng inyong lugar nang matukoy na immunocompromised nga ang bata. Alamin ang vaccination site at schedule na nagbibigay ng bakuna sa mga immunocompromised.

    2. Kung hindi nabibilang ang anak sa immunocompromised, mag-register sa inyong local government unit (LGU) sa pamamagitan ng website, application, o di kaya link.

    Kumuha ng schedule para sa batang may edad 5 hanggang 11 (para sa primary series) at may edad 12 hanggang 17 (para sa first booster o di kaya primary series kung hindi pa ito nakukuha).

    3. Sa araw ng pagbabakuna, dalhin ang mga sumusunod:

    • Dokumentong nagpapatunay ng relasyon sa babakunahang bata
    • Valid ID o mga dokumentong may litrato ng magulang o tagapangalaga (guardian) at ng batang babakunahan
    • Vaccination card na kumpleto ang detalye ng primary series para sa mga may edad 12 hanggang 17 kung kukuha ng first booster

    4. Kailangan kasama ang magulang o guardian ng batang babakunahan. Pero kung nagtatrabaho sa ibang bansa, maaaring ipasama ang bata sa adult na kakilala. Dalhin ang ganitong mga dokumento:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Special Power of Attorney (SPA)

    Kung walang SPA:

    • Authorization letter na dumaan sa notaryo
    • Affidavit ng magulang o guardian na may panunumpa kasama ng isang public official, tulad ng notary public o di kay awtorisadong kawani (gaya ng opisyal ng barangay), pati na pagpapakita ng valid government ID
    • Barangay certification mula sa barangay captain

    5. Pagkatapos mabakunahan ang bata, maaari siyang makaranas ng pagbigat o pamamaga ng brasong tinurukan. Lapatan ito ng cold compress gamit ang yelong binalot sa bimpo. Kung nilagnat ang bata, painumin siya ng paracetamol basta sundin ang directions at dosage.

    Suportado ng Department of Education (DepEd) ang kampanya ng DOH sa pagbabakuna ng mga kabataan. Paalala rin ni DepEd spokesperson Michael Poa sa mga magulang na maging alerto kung may mga sintomas ng COVID-19 sa bata.

    Lahad ni Poa na huwag nang papasukin ng magulang ang anak na may sakit sa eskuwelahan at humingi na lamang ng excuse mula sa guro ng bata.

    Read also: Booster Shot Guidelines

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles