-
Paano Mag-Demanda Ng Sustento, Ayon Kay Atty. Chel Diokno
Alamin kung paano mag-demand ng sapat na sustento, saan maghahain ng reklamo, at ano ang tamang sustento para sa iyo at anak mo.by Em Cruz .
- Shares
- Comments

Para sa mga inang nais mag-demanda ng sustento mula sa mga ama ng inyong mga anak, maayos itong ipinaliwanag ni Atty. Chel Diokno.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Atty. Chel ang tamang sustento, paano ito idedemanda, at paano din mapro-protektahan ng mga ina ang kanilang mga sarili at mga anak mula sa pang-aabuso.
Sinimulan ni Atty. Chel ang vlog sa pamamagitan ng isang tanong mula sa isang subscriber, si Cristina. Narito ang tanong ni Cristina:
“Atty. Chel, matagal din po kaming nagsama ng boyfriend ko at nagkaroon kami ng isang anak bago kami naghiwalay. Noong una ay okay naman po ang sustento niya sa anak namin pero nitong nagkaroon na siya ng bagong girlfriend, kulang na po ang sustentong binibigay niya sa anak namin. Hindi na po sapat ang binibigay niya lalo po ngayon na nag-aaral na ang anak namin. Nakikita ko naman sa FB niya na panay ang pasyal nila ng bago niyang GF sa ibang bansa at may bago pa silang sasakyan.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“Maaari ko ba siyang kasuhan at anong kaso po ang pwede kong isampa para ma-obliga siyang magbigay ng tama?”
Ano ang pwedeng ikaso sa ama na hindi nagbibigay ng sustento?
Ayon kay Atty. Chel, nakasaad sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act o VAWC na ang sadyang hindi pagbibigay ng sapat na sustento sa anak ay itinuturing na karahasan at pinaparusahan bilang krimen.
Nakasaad din sa Section 5E ng VAWC na ang sadyang hindi pagbibigay ng nararapat na sustento ay may parusa na.
Ayon sa ating Korte Suprema, dagdag pa ni Atty. Chel, na ang “Deprivation or denial of support, by itself, is already specifically penalized.” At, “Economic abuse is not only the absolute refusal to provide financial support but also the act of ‘deliberately providing the woman’s children insufficient financial support.’”
Sa madaling salita ay nakasaad sa batas na pwede maparusahan ang hindi pagbibigay ng sustento kasama na din ang hindi pagbibigay ng kulang na sustento. Ang sustento ay dapat base sa pangangailangan ng anak at sa kakayahang magbigay ng hinihingan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Ano ang parusa sa taong napatunayang hindi nagbibigay ng tamang sustento?
Ayon kay Atty. Chel, ang parusa sa mga ama na hindi nagbibigay ng sustento o economic abuse ay pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang sa anim na taon.
Kung ang ama naman ay napatunayan na hindi nagbibigay ng tama o sapat na sustento na naaayon sa pangangailangan ng kanyang anak at kanyang kakayahan, ay maaaring maparusahan bilang nagdudulot ng “mental or emotional anguish” sa ilalim ng Section 5.
Dito, ay kinakailangan mapatunayan na ito ay sadya at nakadulot ng pagdurusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katunayan ng mga sumusunod:
- Ang naapektuhang partido ay isang babae o kanyang anak o mga anak;
- Ang babae ay asawa o dating asawa ng may sala, o babae na nagkaroon ng seksuwal na relasyon o naka-date ng may sala, o babae na nagkaroon ng anak sa may sala. Pagdating naman sa anak o mga anak ng babae, maaaring sila ay lehitimo or ilehitimo, o naninirahan o hindi sa tahanan ng pamilya.
- Ang may sala ay sadyang tumatanggi o sinasadayang hindi magbigay ng pinansiyal na suporta sa babae at kanyang anak o mga anak na legal nilang nararapat tanggapin; at
- Ang may sala ay sinasadyang hindi bigyan ng pinansiyal na suporta ang babae at kanyang anak o mga anak upang sila’y makaranas ng mental o emosyonal na pagdurusa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung mapatunayang nakadulot ng “mental or emotional anguish,” mas mataas ang parusa na nakasaad sa VAWC, na pagkakulong mula anim na taon at isang araw hanggang sa 12 na taon.
Sa parehong kaso, maliban pa sa pagkakakulong ay kailangang magbayad din ng multa mula P100,000 hanggang P300,000 at mag-counseling.
Paano kung ang magsu-sustento ay nasa ibang bansa?
Pinaliwanag din ni Atty. Chel Diokno na ayon sa Supreme Court, ay pwede ding maghain ng kasong VAWC kahit na nasa ibang bansa ang taong hindi nagbibigay ng sustento. Kailangan maipakita na ang “emotional or mental anguish” ay nangyari dito sa Pilipinas.
Paano humingi ng tulong kung may pang-aabusong nararanasan?
Sinabi din ni Atty. Chel sa kanyang video na sa VAWC, may magagawa ang mga inang nakakaranas ng pang-aabuso o “violence against women or their children.” At ito ay ang paghingi ng Protection Order.
Maaaring dumulong o mag-apply ng protection order sa barangay o iyung tinatawag na BPO kung saan nakatira ang humihingi ng tulong, o kung saan nakatira ang taong hinihingan ng sustento. Ang protection order ay epektibo ng 15 na araw. Sa protection order, iuutos na itigil ang ginagawang abuso at maaari ding isama ang utos na magbigay ng tamang sustento sa anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung kailangan ng mas mahabang bisa ng protection order, maaaring mag-apply ng temporary o permanent na protection order–TPO or PPO, sa Family Court sa inyong lugar.
What other parents are reading
Paternal Child Support Responsibility Act of 2023
Kamakailan lamang ay inihain din ng isang grupo ng mambabatas ang House Bill 8987, na mas kilala sa “Paternal Child Support Responsibility Act of 2023.” Nakasaad dito ang tiyak na halaga ng sustento. Sinasabi dito na, “"The amount of Paternal Child Support per child shall be at least ten percent (10%) of the father's salary. However, this Act mandates that a paternal child support per child shall not be lower than Six Thousand Pesos (P6,000.00) per month, which is equivalent to Two Hundred Pesos (P200.00) per day."
Sinisigurado ni Atty. Chel na pwedeng mapanagutin ang mga ama na maging responsable sa kanilang anak at may batas para dito.

- Shares
- Comments