;
embed embed2
  • 'You Forgot To Greet Me': Dennis Padilla Not Greeted On Father's Day By Julia, Claudia, Leon

    The actor posted that three of his kids failed to greet him on Father's Day
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
'You Forgot To Greet Me': Dennis Padilla Not Greeted On Father's Day By Julia, Claudia, Leon
PHOTO BY INSTAGRAM /DENNISASTIG
  • Naghimutok si Dennis Padilla dahil hindi umano siya binati ng kanyang tatlong anak kay Marjorie Barretto noong Father’s Day, June 19, 2022.

    Sa burado nang Instagram post ngayong araw, June 22, halatang dismayado si Dennis sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto kahit idinaan niya sa biro at lambing ang kanyang mensahe.

    Unang ibinahagi ng komedyante ang lumang larawan nila ng anak na lalaki na si Leon.

    Sabi ni Dennis sa caption: “Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… [praying hands, heart emojis]”

     

     

    Kasunod nito ang mensahe naman ni Dennis sa dalawang babaeng anak na sina Julia at Claudia.

    Sabi niya, kalakip ng larawan nina Julia at Claudia: “Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more [praying hands, heart emojis]”

     

    PHOTO BY CTTO
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Pareho nang burado ang dalawang posts na ito sa Instagram account ni Dennis, ngunit maagap ang ilang netizens at na-screenshot ang kanyang post.

    Pati ang News5 ay nagbahagi rin nito sa kanilang Facebook page.

     

    PHOTO BY FACEBOOK /NEWS5EVERYWHERE

     

    Ilang netizens ang nakisimpatiya kay Dennis sa kanyang burado nang social media posts.

    Hindi ito ang unang pagkakataong nagparamdam si Dennis ng kanyang sama ng loob sa mga anak.

    Noong July 2014, labis na ikinasama ng loob ni Dennis ang plano noon ni Julia na huwag nang gamitin ang totoong apelyido niyang Baldivia.

    Labis na nasaktan si Dennis sa pagpetisyon ni Julia sa korte upang Barretto na ang gamitin niyang apelyido.

    READ: Julia Barretto, Dennis Padilla Masinsinang Pinag-usapan Ang Dating Hinanakit Sa Isa't-Isa

     December 2014, sa Christmas party naman ng ng Dreamscape—isang production unit ng ABS-CBN—hindi raw pinansin ni Julia si Dennis na parehong imbitado sa pagtitipon.

    February 2015, nagdesisyon si Julia na makipag-ayos sa ama nang personal niya itong puntahan sa isang studio sa ABS-CBN upang maplantsa ang hindi nila pagkakaintindihan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    READ: 6 Celebrities Who Are Super Close To Their Moms: 'She's A Best Friend To Me'


     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles