-
Pasada Para Sa Pamilya: Dingdong Dantes Learns Ropes Of Being A Jeepney Driver
by Angela Baylon .
- Shares
- Comments

Sabi nila, "Basta driver, sweet lover!" Pero hindi matamis kundi mapait ang hinaharap na realidad ng maraming tsuper ngayon dahil sa itinaas ng presyo ng gasolina. Ilan sa mga pinakaapektado ang kabuhayan dahil dito ay ang mga binansagang hari ng kalsada na jeepney drivers.
Sa kaniyang show na 'Amazing Earth,' kinilala ni Dingdong Dantes ang jeepney driver na si Rex Laura. Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktor na maranasan ang pagpasada ng dyip. "May challenge din sakin itong unang beses na pagmaneho ko ng pampasaherong dyip," pagtanto ni Dingdong.
PHOTO BY youtube/gma playgroundAniya, "Iba ang galawan dito—mula sa manibela hanggang sa kambyo." Bukod kasi sa init ng panahon, pagtitiyaga sa mabagal na usang trapiko, at sa pag-iintindi sa mga pasahero, hindi talaga biro ang trabaho ng mga tsuper ng dyip. Mas naging pasakit pa nga sa marami ang pagbaba ng kanilang kinikitang pera dahil sa taas ng ginagastos para sa krudo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPasada Para Sa Pamilya
Php600
Ito na raw ang pinaka-okay na kinikita ni Rex sa isang araw ng pamamasada ng dyip ngayon. Higit na mababa ito kaysa sa Php1,600 na naiuuwi noong bago ang pagsipa ng presyo ng gasolina. "Halos lahat ng kinikita namin napupunta lang sa gas," pagbabahagi ni Rex.
Aminado si Rex na mahirap itong pagkasyahin para sa pangaraw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya. Madalas pa nga ay kulang na kulang pa ito. Mayroon kasing dalawang anak ang tsuper, isang 2-years-old at isang 1-year-old.
PHOTO BY youtube/gma playgroundPero ayon sa tsuper, dahil siya ang breadwinner ng pamilya, kahit nabawasan na ang kinikita, hindi raw siya bibitaw sa manibela "kasi kapag huminto ako, wala akong mapapakain sa pamilya ko."
Sa isang buwan, ang Php10,000 na kinikita ay saktong-sakto lang sa pangunahing pangangailangan ng pamilya ni Rex gaya ng gatas ng mga anak, pagkain, upa sa bahay, at basic utilities na tubig at kuryente.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDahil ang pagmamaneho lang ng dyip ang inaasahan na mapagkukunan ng hanapbuhay ni Rex ang tanging nagagawa niya ngayon ay ang matitinding paghihigpit ng sinturon. Kaya bukod sa budget, todo-tipid din si Rex sa pagtitipid ng gas.
READ ALSO: How A Mom Budgets P20,000 Monthly Income
Tips Para Makatipid Sa Gas
Sa limang taon nang pamamasada ng dyip, may ilang natutunan na si Rex kung paano masiguro na bawat patak ng gas ay kaniyang masusulit. Ito ang kaniyang mga ibinahaging tip:
1. Siguruhin na maayos ang kondisyon ng makina at gulong ng sasakyan. Kung swabe ang takbo ng sasakyan, mas mababa ang pagkonsumo ng gas. "Kapag malambot 'yan, mag-aapak
2. Iwasan ang pabigla-biglang pag-preno.
3. Patayin ang makina kung matagal na nakahinto ang sasakyan.
At panghuling-tip, payo ni Rex na kung kaya ay sumakay ng pampublikong mga sasakyan.
READ ALSO: Financial Advisors To Follow This 2022 To Improve Savings, Earnings
Kayo mga mommy at daddy? Paano kayo naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ano ang inyong ginagagawa upang hindi masyadong masaid ang bulsa?
Basahin dito ang iba pang tips na maaaring gawan para makatipid sa gas.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments