embed embed2
  • Ang Bongga Ng Disney Princess-Inspired Maternity Shoot Ni Zeinab Harake

    Anim sa paboritong Disney princesses ng vlogger ang ginaya niya.
    by Ana Gonzales .
Ang Bongga Ng Disney Princess-Inspired Maternity Shoot Ni Zeinab Harake
PHOTO BY Instagram/Zeinab Harake
  • Matapos ipasilip ni Zeinab Harake sa kanyang mga YouTube subscribers ang napakagandang nursery room para sa kanyang panganay na si Bia, ipinakita naman ng vloggerfr mom ang kanyang bonggang Disney-inspired maternity shoot.

    Sa kanyang latest vlog, ikinwento ni Zeinab na noon pa man talaga ay gustong-gusto na niya ang mga Disney princess. "Hindi siya 'yung tipikal na maternity shoot na nakikita niyo," kwento niya. "Ito ay based sa childhood favorite ko."

    Balak din daw niyang magkaroon ng newborn photoshoot para sa baby niya na Disney princess-inspired din. "Isa ito sa mga memorable moments ng mga buntis," sabi pa niya.

    Kumpleto sa props, costume, hair and makeup, pati na rin ang set designs na gagamitin niya. Anim na sets ang ihinanda para sa kanya para talagang ma-capture niya ang mga paborito niyang Disney Princesses.

    "Pangarap ko talaga ito," pagbabahagi niya. "Nagdi-Disney princess kasi ako sa mga malls dati, 'yun ang trabaho ko."

    Ang makeup niya ay ipinagpasalamat niya kay Christian Rogel na noon pa man ay siya nang nagme-makeup sa kaniya. Samantala, ang kanyang costumes naman ay dinisenyo na kaibigan niyang si Carl Arcusa.

    Mahigit isang oras ang itinagal ng photoshoot sa bawat set na ihinanda nila. Game na game naman siyang nag-pose bilang sina Snow White, Belle, Cinderella, Aurora, Ariel, at Jasmine. "Every peg, inaabot ng oras. 'Yung shoot isang oras siguro, kasama 'yung video, tapos isang oras din 'yung setup."

    Heto siya bilang ang Disney princess na si Snow White sa 1937 Disney film na Snow White and the Seven Dwarves.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Blooming naman siya bilang sa Belle sa 1991 Disney movie na Beauty and the Beast.

    Siyempre, mawawala ba naman ang sikat na Little Mermaid na si Ariel?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-transform din siya bilang Aurora, mula sa pelikulang Sleeping Beauty.

    Excited din siyang magsuot ng glass slippers para sa transformation niya bilang si Cinderella.

    Ang huli niyang ginaya ay si Princess Jasmine mula sa pelikulang Aladdin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Bakit naman ako kakabahan?" pabirong tanong pa niya. "Last month pa ito ready," kwento niya.

    Mayroon naman siyang pahinga sa pagitan ng bawat set kaya naman ang taas pa rin ng energy niya sa buong maternity shoot niya. Glowing din siya sa bawat layout dahil bakas sa mukha niya ang saya at excitement sa katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap.

    Talaga namang achieve na achieve ang bawat Disney princess na ginaya niya dahil na rin sa ganda ng detalye ng bawat set design na ginamit nila at costume na isinuot niya.

    "Sobrang happy ko kasi ito talaga 'yung gusto kong maging maternity shoot," sabi niya. "Naisip ko ito dati pa, kasi mahilig akong mag-Disney princess and nagawa ko siya!"

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng vlog niya rito: 

    Kakaiba rin ba ang maternity shoot mo? I-share mo sa comments section. Pwede mo ring ipadala ang iyong experience sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Makakakita ka ng mga inspirasyon para sa magandang maternity shoot sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles