embed embed2
  • Utos Ng Chinese Divorce Court Sa Mister: Bayaran Ang Ex-Wife Ng P377K Para Sa Housework

    Tinawag na “landmark ruling” ang desisyon ng korte dahil maaari itong magbigay daan sa katulad na kaso.
    by Jocelyn Valle .
Utos Ng Chinese Divorce Court Sa Mister: Bayaran Ang Ex-Wife Ng P377K Para Sa Housework
PHOTO BY Shutterstock/Krakenimages.com
  • Inutusan ng divorce court sa China ang isang mister na bayaran ang kanyang misis sa gawaing bahay na ginampanan nito sa loob ng panahon na sila ay mag-asawa.

    Makakatanggap ang misis ng 50,000 yuan (Php377,000) para sa limang taon na “unpaid labor,” ayon sa ulat ng BBC nitong February 24, 2021.

    Ang Fangshan District Court sa capital city na Beijing ang nagbigay ng desisyon. Kaugnay ito sa kasong divorce na isinampa ng mister noong 2020, o limang taon pagkatapos nilang ikasal noong 2015. 

    Sa umpisa raw, nag-atubili ang misis na makipaghiwalay sa asawa. Pero kalaunan ay pumayag siya, at humiling sa korte ng financial compensation. Idinahilan niya ang hindi pagkilos ng kanyang asawa sa gawaing bahay (housework) at pag-aalaga sa kanilang anak na lalaki (child care).

    Pinanigan ng korte ang misis at inutusan ang mister na magbayad ng 2,000 yuan (Php15,000) para sa buwanang sustento (alimony). Dagdag pa diyan ang lump sum na 50,000 yuan para sa housework ng misis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinawag na “landmark ruling” ang desisyon ng korte dahil maaari itong magbigay daan sa katulad na kaso. Naipasa na kasi ang new Civil Code ng China nitong January 1, 2021.

    Sa ilalim ng bagong batas, maaaring humiling ng kabayaran ang isa sa magdidiborsiyong mag-asawa. Basta mapatunayan na mas higit ang kanyang responsibilidad sa pagpapalaki ng kanilang anak, paga-aruga sa kanilang nakakatandang kamag-anak, at pagtulong sa trabaho ng kanilang asawa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Noon sa lumang batas, puwede lang humiling ng kabayaran ang mag-asawang magdidiborsyo kung may pinirmahan silang prenuptial agreement. Pero bihira raw mangyari ang ganoong kasulatan.

    Lumikha rin ang desisyon ng korte ng ingay at debate sa China, lalo na sa online community, hinggil sa halaga ng trabahong bahay (domestic work). May mga nagsasabi kasi na napakaliit ng 50,000 yuan para sa five years na housework. 

    Komento ng isang netizen na “underestimated” ang trabaho ng housewife. Sa Beijing daw kasi, kapag kumuha ka ng yaya, gagastos ka ng lagpas 50,000 yuan kada taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ng karamihan sa microblogging website na Weibo, dapat daw magkaroon ng mas malaking parte sa gawaing bahay ang mga kalalakihan.

    Payo naman ang ilang commenter sa mga kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang career kahit mayroon na silang asawa. Kailangan daw maging independent para mayroong masasandalan sakaling mauwi sa divorce ang kanilang kasal.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles