;
embed embed2
  • Kung May Anak Na Senior High, Puwede Maging DOST Scholar At Sa Mahigit P57,000 Benefits

    Hanggang December 31, 2021 na ang registration.
    by Jocelyn Valle .
Kung May Anak Na Senior High, Puwede Maging DOST Scholar At Sa Mahigit P57,000 Benefits
PHOTO BY Shutterstock
  • Ito na ang pagkakataon ng anak mong graduating senior high na makapag-aral nang libre sa college bilang scholar ng Department of Science and Technology (DOST).

    Maaari siyang mag-apply sa S&T Undergraduate Scholarship Program. Una sa pamamagitan ng DOST-SEI Merit Scholarship Program, na kilala din sa dating mga pangalan na NSDB o NSTA Scholarship.

    Itinatag ito sa bisa ng RA No. 2067 para sa mga estudyante na mahusay sa science at mathematics, at saka pursigido na magkaroon ng karera sa sektor ng science at technology.

    Ang ikalawang paraan ay sa pamamagitang ng bisa ng Republic Act No. 7687, o ang “Science and Technology Scholarship Act of 1994."

    Para ito sa mga talented at deserving na estudyante na kulang ang kakayanan ng kanilang mga pamilya na pag-aralin sila. Pero pursigido silang kumuha ng kurso sa basic sciences, engineering, other applied sciences, at science and mathematics teaching.

    Mga benefits

    Para sa regular academic year, makakatanggap ang scholar ng Php40,000 kada taon para sa tuition. Dagdag diyan ang Php10,000 kada taon para sa book allowance; Php7,000 para sa monthly living allowance; Php1,000 clothing allowance sa first semester ng first year, at premium group health and accident insurance.

    Kung mag-aaral ang scholar sa labas ng kanyang home province, makakatanggap siya ng isang economy class roundtrip fare.

    Kapag tungtog sa fourth year at graduating na, makakatanggap ang scholar ng Php10,ooo para sa thesis allowance at Php1,000 para sa graduation allowance.

    May hiwalay pang benepisyo kung kinakailangan sa curriculum ng scholar na mag-enrol sa summer program.

    Paano mag-apply

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan eligible ang anak mo na mag-apply sa scholarship kung siya ay:

    • Natural-born Filipino citizen
    • Miyembro ng science, technology, engineering, at mathematics (STEM) strand senior high school graduating class. O di kaya miyembro ng Top 5% ng non-STEM strand senior high school graduating class
    • Mayroong good moral character at in good health
    • Walang post-secondary o di kaya undergraduate units sa college
    • Hindi pa nakakapag-apply sa DOST scholarship o nagkapag-apply pero hindi natanggap o hindi tinuloy

    Para sa kumpletong impormasyon at proseso ng application, bumisita sa DOST website. Patuloy ang registration hanggang December 31, 2021. [Updated, as of November 26, 2021]

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles