Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • May Paalala Si Erika Padilla Sa Mga Buntis: 'Wag Magmagaling'

    Kinuwento ng actress na 36 weeks siyang buntis nang malaman nya na mataas ang kanyang blood pressure.
    by Jocelyn Valle .
  • May paalala si Erika Padilla sa mga buntis sakaling makaramdam sila ng pangangamba o kakaiba. Aniya, “Huwag magmagaling. Huwag mag-self diagnose na alam mo ’yong nangyayari. Always go to the doctor to make sure your chances are really good in having a safe pregnancy and a safe delivery.”

    Napatunayan ito ng actress at event host nang ipinagbubuntis niya si Greyson Jet, ang 2-year-old son nila ng mister na si Jeffrey Cariaso, head coach ng koponang Alaska Aces sa Philippine Basketball Association (PBA). Ikinuwento niya sa SmartParenting.com.ph kamakailan sa event ng Lactum milk brand, kung saan nagsilbi siyang program host, na nakaranas siya ng preeclampsia ilang araw bago siya magsilang. Ito ang dahilan kung bakit imbes na ang original plan na normal delivery ay sumailalim siya sa Cesarean section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Nalaman lang during my last checkup for the 36th week,” pagbabalik-tanaw niya sa panahong September 2017.  “Doon lumabas na tumataas ang blood pressure ko. It wasn’t that bad ’cause normal naman ’yong ano ko…

    “Pero sabi ko, medyo masakit ang ulo ko. Hindi ko mabukas ang mata ko. Gano’ng sakit ng ulo, di ko ma-open ang mata ko. We found out through tests that I had preeclampsia, which is the heightened hypertension during pregnancy. Ano do’n is when you have hypertension during your pregnancy, hindi pumapasok nang tama ’yong nutrients papunta sa baby kasi constricted ’yong vessels, nerves.”

    More from Smart Parenting

    Nagpapasalamat si Erika dahil sinunod niya ang kanyang instinct at naagapan ang kanyang kondisyon. Nakatulong din daw na hindi siya pumalya sa kanyang monthly checkup kaya alam niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

    Lahad niya, “When I experienced that headache, di ko ma-open ang mata ko, sabi ko, ‘Di normal ’to.’ Paminsan pag masakit ang ulo mo, higa ka lang. ’Yon, naka-squeeze na ’ko kasi gano’n siya kasakit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “It was that bad, so buti na lang I had the presence of mind. Sabi ko sa asawa ko, ‘This is not normal. I’m going to the hospital.’ So I took a Grab. Pinauwi pa ’ko. Pero after two days, bumalik ako. Di na ’ko pinaalis.”

    More from Smart Parenting

    Para kay Erika, isa iyong traumatic experience, lalo pa’t may ibang taong nagdedesisyon para sa kanya. Sinabihan lang siya na kailangan na niyang manganak nang hindi normal delivery at hindi rin puwede ang bikini cut para sa C-section niya. Pero kailangan niyang sumunod na lamang. Napawi lahat ng kanyang agam-agam nang sa wakas ay naisilang na niya si Greyson Jet, na idineklarang premature kahit kapos lang ng dalawang days sa 37 weeks.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Walang papantay,” ika niya, ang pakiramdam sa una nilang pagkikita. “It was all worth it,” sabi niya, sabay ngiti. “Of course it was painful. I stood up right away. Ang protocol kasi pag premature, the baby will be taken to the neonatal ICU (NICU) for monitoring. Kasi ’yon ang protocol.

    “But he was fine. I wanted to stand up right away, which I did, ’ta’s pumunta na ako agad sa kanya. Chineck ko agad, tumayo ako. Naglakad ako, hindi ako naghintay ng wheelchair para i-wheel in ako. Ako na mismo ang pumunta. So it’s walang papantay na feeling.”

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay Erika ay mabuti ang lagay ng kanyang panganay ngayon. May height na itong 3 feet at nahihilig nang maglaro ng basketball, katulad ni Daddy Jeffrey. Gusto din ni Baby Greyson Jet ng toy cars, soldiers, at guns. Nagiging matatas na itong magsalita at magaling sumunod sa instructions, habang “very receptive and very observant of his environment.”

    Plano na nilang mag-asawa na isali ang kanilang baby sa playschool bago ito magsimulang mag-aral. Nais din nilang magkaanak ulit, na “sana girl naman.”

    Samantala, sinisikap ni Erika na bumalik sa kanyang pre-pregnancy figure sa tulong ng yoga at workout, na kanya nang ginagawa bago pa siya mag-asawa. Malapit lang ang yoga studio sa kanilang tahanan kaya nakukuha niyang mag-yoga five times a week.

    “It’s not only for pagpapayat,” diin niya. “It’s also for my sanity. It’s time for yourself, to be away and do something na wala kang iniisip na iba kundi ’yong moment lang na ’yon. Hindi lang siya about vanity. Nakakatulong na din na pumapayat ka, but it’s also for you to be able to have a space for yourself and recharge. Time for yourself.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles