-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
Real Parenting Why Those Tantrums and Crying Are Worth It During Family Vacation
-
News Kaye Abad Pregnant With Baby No. 2, Nikka Garcia Reveals Gender Of Baby No. 4
-
COVID-19 Positive 11 Katao Na May Koneksyon Sa Unang Kaso Ng New Variant Sa PH
Kabilang sa kanila ang mommy at girlfriend ng pasyente.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY iStock
Positibo sa coronavirus ang 11 kataong may koneksyon sa unang kaso ng bagong COVID-19 variant sa Pilipinas.
Kabilang sa 11 ang nanay at girlfriend ng unang kaso na inilarawan ng Department of Health (DOH) bilang 29-year-old man na nakabase sa Quezon City.
Kasabay ng pasyente at ng kanyang girlfriend ang 8 sa nagpositibo sa sinakyang eroplano mula Dubai noong January 7, 2020.
Ang isa pang nagpositibo ay nagkaroon ng close contact sa pasyente at napag-alamang recovering COVID-19 patient.
Sinusuri pa kung COVID-19 new variant din ang dumapo sa 11 na pasyente, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Dagdag pa niya sa virtual presser nitong Wednesday, January 20, na naipadala na ang test results sa Philippine Genome Center (PGC) para sa genome sequencing.
Lahad ng health official, “’Yong girlfriend niya, initially tested negative, pero no’ng nag re-swab, she turned positive. The mother, no’ng na-swab siya, ang resulta niya rin ay positive.”
Negative ang naging unang resulta ng swab test ng girlfriend ng unang pasyente. Nag-test siya pagkalapag nilang dalawa sa airport galing Dubai.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPosible na nasa incubating period pa ang virus kaya negative ang resulta, sabi ni Vergeire. Kaya importante daw ang timing sa pagkuha ng swab test.
Pero kahit negative ang unang swab test ng girlfriend, sinunod daw nito ang isolation protocol, ayon sa interview ng ABS-CBN News kay Dr. Rolly Cruz, ang head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Quezon City.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSabi ni Dr. Cruz, may escort ang girlfriend ng pasyente mula sa barangay response team at namalagi mag-isa sa isang apartment habang nasa isa pang apartment ang pasyente mismo. Kaya inaalam pa daw nila kung paano nahawa ang nanay ng pasyente.

Trending in Summit Network